BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sunday, June 28, 2009

A TRIBUTE TO MR. BALAWANG

(Mr. Balawang was my teacher in High Scool
in Social Studies. He inspired me to teach
and learn to love the beauty of education)

Seasoned has changed his complexion,
and physical appearance
to unethusiastic metamorphosis.

His teachings enfold in great magnitude;
And the extent of his countless explanation
to the learners revealed his kindness
and efficiency.

His strong muscles and firm bones
were weakened by unchanging
affection and care for the students.

His proud Malayan race is an epitome
of great wisdom from antiquity.

Though his ears have stopped to listen,
but the auditory nerves have stored
a sound of athems form the deep end.

Though his peripheral vision was impaired by
macural degenaration; his eyes is
still full of legendary vision.

Though the sharpness of his memory has been reduced,
but his identity and magnanimity will echoe in eternity.

His nonexistence in reality is just temporary,
but his lineage in the sphere of education will transmit
An Outstanding Multiplicities!

we love you in life, much more in death
You will remain in our hearts forever
With love and prayers.

Batch '94 of BHS

Friday, June 26, 2009

The Visit

Early in the morning I decided to visit my alma mater. I opt to commute to feel the nostalgia of traveling alone, allowing the rays of the sun to kiss my skin, while the force of the bus disintegrate the molecules to blow a wind in my hair down to my body. A strong pressure had hopelessly disarranged my hair, but I am determined to wrestle headlong to this ubiquitous foe.Though familiar with the scene and eventual results, I let it embrace my entire body and wait for the break in of the driver to roar and stun the rampage of molecular energy.

Blissfully, I step out in the steel of titan. I pointed my eyes in the narrow road of Taft Avenue, Manila. Then, a sudden thunder of recollection shakels my imagination when I saw the facade of PNU. Nine years ago, I was innocent an susceptible against the imploring eyes of junior and senior. In this institution I had tried my very best to discover my full potential.Joining in different organizations to improve my socialization and form a conglomerate of friends to have an intellectual discussion of pressing issues in the country. Those friends of mine have faithfully supported me to run in the student politics. Eventually, I've never been defeated in 3 successive elections.I have learned to stand in the midst of controversies and political demolition. Likewise, to cry and sympathized to my fellow students.

Whooooo....a strong range of serene disturbed my recollection.

When I Sleep

Whew! What a day. Last night i was thrilled by unknown excitement running in my viens, circulating in my spasm and navigating the electrons in my brain. In short i had my sleepless night, after writing an unfinished shory story, and reading some books in my masteral about the central limit theory--- i was stocked and awe in understanding the functions of full loaded mathematical formulas which i only encountered now.

How i wish the ghost of Lyapunov's visits my bed and discuss the nitty gritty in using those foreign concepts in my mental faculty. Oh dear calculator, use your charm and powers in calculating and hypnotizing my professor.Beep...beep, i need a saviour in loading those galaxies of uncomprehensible numbers. I'm drowning, is there someone out there?!

Alas, in perfect timing miracle came, my energy is sapping and my mind is draining. Slowly my eyes were closed, the electrical circuit in my brain flickered. Silence hovering once again.

Ekonomiks: Sa Daluyong ng Panahon


Lahat na ng aspeto ay ginalugad

Kung saan-saan antas napadpad

Ngunit kasaguta’y mailap

Sa katanungang hinahanap.


Habang ako’y tumatanda

May nabuong mga hinuha

Sa aking pagkakatanda

Ito’y isang mahalagang paksa.


Si Adam Smith ay naghaka

Sa ekonomiya ng madla

Pag-unlad ay abot kamay

Sa malayang kalakalan.


Marami pa ang naghaka

Hindi lahat ay natuwa,

Si Karl Marx ay nagwika

Lakas paggawa ay kailangan ng bansa;


Kapitalismo mo’y di patas sa limitadong pinagkukunang yaman

Komunismo ay kasagutan sa lumalalang kahirapan;

Pagkapantay-pantay ay matatamo

Magiging maligaya ang mundo.


Ekonomiya ay mahalagang sadya

Sa buhay ng madla hindi ka nawawala,

Ngunit kalian ka pa ba matatamo

Pag-unlad na hinahangad

Kalian

kaya

madarama!

ISANG DAGOK, ISANG HAMON: SA KALAYAAN NG PILIPINAS

Kalayaan! Kalayaan! Saan ka nga ba nagmula? Mula sa salitang laya na siyang ugat nitong matalinghagang salita. Ito ang laya na puno ng iba’t ibang emosyon mula sa iisang diwa.Ang diwang Pilipino na naglalayong makakalas mula sa mahigpit na tanikala.

Tanikalang sumikil sa malayang pagalaw, magpahayag, makisalamuha, matiwasay na pagtratrabaho, pamahalaan ang bansa, linangin ang likas na yaman, pasyalan ang magagandang tanawin, at pagkakakilanlan sa kultura, tradisyon at kasaysayan ng bansa. Kasaysayang sumasariwa sa tunay na katauhan ng dugong Pilipino bilang bansang marangal, may paninindigan, prinsipyo, bayanihan, pangangalaga sa likas na yaman, at paggalang sa dakilang lumikha.

Ngunit sa daluyong ng panahon, kalayaang nagbibigay halaga sa bawat indibidwal ay nasan na? Ikaw! Ako! Kapwa ko Pilipino! Nasa puso’t isipan mo na ba ang tunay na kalayaan? Para saan?Para kanino? Ang ipinaglabang kalayaan.

Kung ating susuriin ang libro ng kasaysayan, mababatid natin na ang tanyag na Perlas na Silanganan ay buong tapang na nanindigan, nagningas ang damdamin, walang humpay na nakiisa at buong tapang na nakibaka para sa magandang bukas.

Mangmang, tamad at walang kakayahan sa sarili. Ganyan tayo itinuring ng mga banyagang nagpasasa sa ating likas na yaman. Naging alipin sa lupang tinubuan. Ginahasa, at walang humpay na inalipusta mula Luzon, Visayas at Mindanao. Nagmistulang pipi, bulag at bingi sa mga aktwal na pangyayari. Walang karapatan, walang kalayaan.

Isang dagok , isang hamon sa loob ng mahigit 300 taong pananakop. Niyurakan ang kultura, tinanggalan ng dangal, nilito ang isipan at binaluktot ang kasaysayan. Subalit, sa kabila ng mapait na karanasan nanatiling positibo ang pananaw ng ilang dakilang Pinoy , sila’y tahimik na nakibaka gamit ang papel at pluma na nagsilbing sandata upang gisingin ang nahimlay na kamalayan mula sa bangungot na nilikha ng mga dayuhan.

Mula nang paslangin ang GOMBURZA: padre Gomez, Burgos at Zamora, dugong pinoy ay naliwanagan sa tunay na kalagayan ng lipunan; naliwanagan sa tunay na pakay ng mga dayuhan.Para sa pagbubuklod-buklod ng sambayanang Pilipino, La Solidaridad ay isinilang. Samantalang, ang librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sinulat ni Dr. Jose Rizal ay naglarawan ng pang-aalipin at pang-aalipusta sa bayang Pilipinas.

Binigyang buhay naman ni Juan Luna ang tunay na larawan ng bansa mula pamamahala ng mga kastila sa pamamagitan ng pagpipinta. Ngunit, sa kabila ng kanilang pagsisikap na maimulat at mahikayat ang lahing pinoy na manindigan laban sa mga mananakop ito’y hindi naging sapat upang lubusang makamit ang matagal ng minimithing kalayaan.

Ang mga nilimbag na libro at babasahin ay hindi naging tulay upang mapag-isa ang diwang Pilipino. Sa pamamagitan ni Andres Bonifacio at kanyang kilusan na KKK ay nagkaroon ng malawakang organisasyon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Bagama’t salat sa armas ay matapang na nakipagsapalaran ang kanyang samahan na labanan ang mga kastila sa pamamagitan ng dahas.

Magdiwang at Magdalo ay hindi nagkasundo sa pagbuo ng liderato na mangunguna sa malawakang pakikipaglaban sa mga dayuhan. Gat Abdres Bonifacio ay pinaslang. Emilio Aguinaldo ay hinirang bilang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Sa gitna ng isang masayang pagdiriwang at pagnamnam ng kalayaan, ito’y muling naglaho sa Perlas ng Silanganan. Dayuhang Kano ay nanghimasok, panandaliang kalayaan ay muling naagaw at pinagkait sa buong kapuluan.

Kultura’y muling niyurakan, dangal ay dinungisan, isipa’y kinasangkapan at binaluktot ang kasaysayan.

Muli ng na namang inalipusta ang kakayahan ng pinoy sa pamamahala. Pilipinas ay binili na tila ba isang paninda. Likas na yaman ay muling ginahasa, pinagsamantalahan ang birhen na kagubatan, ilog, bundok at karagatan. Wikang Ingles ay pinangalandakang mabisang midyum ng pakikipagtalastasan. Kolonyal na mentalidad ay nangibabaw, mas pinahalagahan at hinangaan ang dugo ni Uncle Sam. Kabayanihan ni Gat Jose Rizal at Gat Andres Bonifacio ay nakalimutan.

Sumiklab ang Ikalawang Digmaaan, Perlas ng Silanganan ay hindi na proteksyunan ng mga nagmamagaling na anak ni Uncle Sam. Hapones ay nanakop, Inang Bayan ay muling nalugmok.Kultura’y muling niyurakan, dangal ay dinungisan, at isipa’y kinasangkapan. Dugong Pinoy muling lumaban, habang ang General ng kanluran ay nagpaasang ang kanyang lahi ay saglit na mawawalay--- agad na babalik upang kalayaan ay makamit. Habang ang Lupang Hinirang ay walang humpay na ginahasa sa loob ng tatlong taon.

Kalayaan sa Espanya! Kalayaan kay Uncle Sam! Kalayaan sa kamay ng Hapones! Kalayaan! Kalayaan!

Maraming panahon ang lumipas. Maraming buhay ang nasayang. Kalayaan ay pilit na hinahanap sa puso ng Perlas ng Silangan. Pagkatapos ng pananakop ay kamusta na ang bayang punong-puno ng sakit at dusa.

Kalayaan para sa kabutihan, kabuhayan at katiwasayan. Sinikap kamtan para sa kaluwagan ng may puot na damdamin at hinanakit dulot ng madilim na nakaraan. Kalayaan na dapat gamitin sa marangal na layunin. Subalit ako’y nagtataka kung kalayaan sa aking bansa ay talagang lubos na.

Bakit kung kailan ang mga Espanyol, Amerikano at Hapones ay wala na, lahing Pinoy nililisan ang Perlas ng Silanganan. Dayuhang namumuhunan ay binibigyang karapatan na manaliksik at makinabang sa lupang ipinaglaban, inalayan ng dugo at binuwisan ng maraming buhay. Maging ang Ancestral Domain ng sinaunang mga pinoy ay pilit na kinukuha. Kasalatan sa pagkain ay palasak sa bawat sulok ng bansa, samantalang ang bansa ay pinagpala sa yamang-lupa, dagat, mineral at lakas-paggawa.

Pagmamahal ay nasan naba sa tinubuang lupa tila ay naglaho na.Digmaan dito, patayan doon. Katahimikan sa Inang bayan ay naging mailap na. Dugo sa dugo, laman sa laman, tayong nagpanday ng kalayaan ay nahihibang.

Paano ba natin mapapanatili na atin ang kalayaan? Paulit-ulit bang magbubuwis ng buhay? Upang maantig ang ating damdamin na tayo’y MALAYA NA. Malayang ituwid ang nadungisang kultura, ibangon ang nasirang dangal, iwaksi ang kolonyal na kaisipan, malayang magpahayag, makisalamuha, matiwasay na makapagtrabaho, pamahalaan ang bansa, linangin ang likas na yaman, pasyalan ang mga kaakit-akit at kahalihalinang tanawin sa bawat sulok ng Pilipinas, at pagkakataong itama ang tunay na diwa ng kasaysayan.