BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, July 30, 2009

Proyekto sa Unang Markahan

Proyekto para sa Unang Markahan


Mga Paksang Pagpipilian:

1. Tricycle drayber na babae
2. Dyipney drayber na babae
3. Sapatero
4. Magtataho
5. Magbobote
6. Nagtitinda ng mga kakanin
7. Mga batang nagtitinda ng sampaguita
8. Konduktor
9. Tanod sa Barangay
10. Bumibili ng mga relo, pilak, at ginto.
11. Gumagawa ng payong

Mekanismo sa Paggawa ng Proyekto

1. Bawat grupo ay pipili ng 3 paksa na nakasaad sa itaas. Iba't ibang paksa ang dapat na mapili ng bawat grupo sa isang seksyon. Hindi dapat makakatulad ang mga paksa ng bawat grupo. Ang paksang napili ay kailangan pang aprubahan na guro.
2. Ang paksang mapipili ay dapat na may kakaibang istorya.
3. Humanap muna ng tao na maaring gamitin na subject sa paksa.
4. Suriin muna kung ang napiling subject ay walang balakid sa gagawing proyekto.

Nilalaman ng Proyekto

1. Maghanda ng mga tanong na maaring gamitin sa pakikipag-usap sa subject at pa-aprubahan ito sa guro.
2. Alamin ang mga sumusunods sa subject:
a. Dahilan kung bakit iyon ang kasalukuyang trabaho
b. Ano ang mga magagandang hamon na hinarap nito sa napiling trabaho
c. Paano sila nakakatulong sa ibang tao
d. Paano nila napapasaya ang ibang tao sa kanilang trabaho
e. May naitutulong ba ang pamahalaan sa pag-unlad ng kanilang buhay
f. Kumuha ng maikling talambuhay ng subject noong siya ay bata pa at paano niya hinarap ang hamon ng buhay.
g. Kumuha ng dokumentasyon sa pamamagitan ng larawan ng subject at lugar
h. Gumawa ng dokumentasyon kung paano nakalap ang mga datos mula sa unang araw ng pangangalap ng datos tungkol sa subject.
i. Ilagay sa folder ang mga dokumento (larawan at dokumentasyon)
j. I-seynd sa aking email ang a-e na mga datos

Petsa ng pagpasa: Aug. 12, 2009

Monday, July 27, 2009

Ang Mga Kwentong Ewan ni Intoy Boknoy

(BSEmbalKom) Bachelor in Science in Embalsamador

Napakahirap kumita ng pera. Sa panahon ngayon ay kailangan mong kumayod ng kumayod upang matugunan ang iyong pangangailangan. Sa pagmumuni-muni ni Intoy Boknoy ay kaniyang napagtanto na kung may pera sa basura ay may pera sa patay kaya siya ay nag-pursige na magtayo ng isang Funeral Shop. Katatapos niya lang ng kursong Bachelor of Science in Embalsamador sa isang Unibersidad ng Sementeryo malapit sa kanila.

Nakatanggap si Boknoy ng isang textmesij (text message) mula kay Boy Topak. Si Boy Topak ang kanyang aseyt (asset) sa loob ng Ospital upang alamin kung sino ang malapit nang matigok. Ayon sa kaniya, nakita niya ang isang matanda na hindi na gumagalaw. Nag-iiyakan na daw ang pamilya nito sa loob ng kwarto.

“Boy Tigas, kunin mo ang susi ng sasakyan at pupunta tayo sa Ospital!” sigaw ni Boknoy.

"Bilisan mo...!!!" tarantang sambot nito.

“ Y-yes bo-boss," pautal na tugon nito.

Agad na tinarak ni Tigas ang susi ng sasakyan sa ignisyon swych (ignition switch) at mabilis na pinaandar.

“Bilisan mo pa, baka tayo maunahan ng iba,” pagmamadaling utos nito.

Pinaharurot ni Tigas ang sasakyan. Mabilis na kinabig nito ang manibela pakaliwa nang biglang mawalan ng preno ang sasakyan.

“Aaaaaaayyyyyyy………aaayyyyyy…..,” sigaw nila.

Kablooommm! Tug-tug-tug-tug-tug. Ang huling tunog na nangibabaw sa paligid nila Boknoy.

Isang malakas na wangwang ng sirena ng Ambulansiya ang pumainlanlang. Agad silang nilagay sa loob ng ambulansiya at sinugod sa Ospital. Kahit nanlalabo pa ang paningin ay kinuha ni Boknoy ang kanyang selfon (cellphone) at nag-text, bago pa malobat (lowbat) ay nasynd (send) nito ang mensahero kay Boy Tigas.

Agad silang pinuntahan ni Tigas sa Emergency Room.

“Anong balita d’on sa namatay?” tanong nito.

“Eh…..Boss….kasi…eh…,” panay ang kamot nito sa ulo.

“Ano!?” pagalit na tanong ni Intoy habang nilalagyan ng yelo ang kanyang bukol sa ulo.

“Lumipat na ng kwarto yung matanda. Nabuhay kasi, eh…kayo na ata ang papalit,” pakamot na sagot nito.

Bwahahahaha………”Kung ano ang nangyayari ng Matanda ay mangyayari din sa Bata”…..toink….toink…..

Saturday, July 25, 2009

Ang Mga Kwentong Ewan ni Intoy Boknoy

(BSV) Bachelor in Science in Vulcanizing
Sadyang mautak ang pinoy saan man larangan. Ika nga wais tayong mga Pilipino pagdating sa pangogoyo. Madalas natin ginagamit ang commonsense sa bawat aspeto ng pangangailangan. Bakit nga naman hindi, "Pinoy ata ere." Kaya't basahin natin ang pakikipagsapalaran ni Intoy Boknoy.

Noong nag-aaral si Intoy Boknoy sa High School ay hindi niya masyadong pinagbuti ang kanyang pag-aaral kaya't napag-iwanan siya ng kanyang mga kaibigan. Sa 'di inaasahang pagkikita ay nakatagpo niya si Boy Tino sa isang Mall habang siya ay namamasyal.

" Intoy, kamusta ka na," ang masayang bati ni Tino.

"Eh, katatapos lang ng BSV," ang pagyayabang niyang sagot.

"Wow naman! ano yun?" ang buong pagtataka ni Tino.

" Eh di Bachelor in Science in Vulcanizing, sabay kamot sa ulo," ang mahinang sagot niya.

"Hehehe....akala ko naman big time talaga eh," ang malutong na tawa ng kamag-aral.

"Ikaw, mukhang big time ka na ata ah?" tanong niya.

"Ndi naman pinalad lang na makapag-abroad, kaya nagkalaman ang pitaka,"ang pagpapakumbaba niyang sagot.

Saglit silang naglakad at niyaya siya ni Tino na kumain sa isang sikat na restaurant sa loob ng Mall.Habang kumakain ay napag-usapan niya ang magandang kapalaran na naranasan ng kaklase. At nang magpaalam ito ay bigla siyang napaisip ng malalim. Inisip niya na hindi naman nakapagtapos ng kolehiyo ang kanyang kamag-aral pero pinalad sa buhay. Kaya gagamitin niya ang kanyang commonsense.

"Mas wais atako sa kanya noong nag-aaral pa kami," pagyayabang niya sa sarili.

Kinabukasan... pumunta siya sa Recto upang magpagawa ng pekeng Diploma.

"Diploma...diploma...diploma...,"ang malakas na sigaw ng matanda sa isang sulok.

Agad siyang lumapit at nagpagawa ng Diploma. Makalipas ang ilang oras ay agad niyang natanggap ito, bagong-bago at malutong pa.

"Hehehe....naisahan ko din yung matanda. Peke din kasi yung perang binayad ko. Siguradong magwawala yun pagnalaman niya," pagmamalaki pa nito sa sarili.

"Hahaha... ito na ang aking kapalaran!" ang buong pagmamalaki niya.

Agad siyang pumunta sa isang Agency at nag-apply sa posisyon na kailangan ng kumpanya.

"Sige po sir, bumalik na lang po kayo bukas at dalhin niyo ang P10,000 libong piso upang i-proseso na po ang iyong papel," paalala ng Manager.

Paglabas sa opisina ng Agency.

"Nag-aral ba yung mga yun, hindi nila sinuri na peke ang diploma ko. Sa wakas makakalipad na rin ako papunta sa ibang bansa," ang buong kagalakan niya.

Agad siyang naghagilap na pera sa mga kaibigan. Ipinagmalaki niya sa mga ito na makakapagtrabaho na siya sa ibang bansa, at dodoblehin ang bayad kapag nagsimula na siyang mag-trabaho.

Kinabukasan ay agad niyang binigay sa Manager ng Agency ang salapi. Agad na inabot sa kanya ang passport. Pinababalik siya bukas para makuha ang Visa.Maaga siyang gumising at naghanda na agahan. Panay ang sipol niya at kanta.

Pagdating sa Agency.

"Sir, bakit po sarado ang gate ng opisina at ang daming tao?" tanong niya sa gwardiya.

"Commonsense kaya, peke yung Agency. Nagoyo kayo." sagot nito.

Wais ha......hehehehe........



Tuesday, July 21, 2009

A TALE OF MY BIRTHDAY



Today is the greatest day of my life. The day of the new beginning, the climax of times, the day of learning, the day of suffering, the epoch of self-actualization, the epoch of humiliation, the season of life, the season msytification, the rain of optimism, the summer of pessimism; everything is in the crossroad, everything in the safe road.

But despite of the odds---the curtain of life will continue to blossom.

Happy Birthday!!!

Monday, July 20, 2009

DENGUE

JOHNATAN CAJARA EUGENIO

Dengue

Mahimbing ang aking tulog,

Panatag ang aking pakiramdam.

Diwa ko’y hinaharana

Ng himig nang panaginip,

Sa daigdig ng kawalan.

Pakpak ay bumulusok,

Dahan-dahang dumapo.

Nagnakaw ng sariwang dugo,

Gamit ang manipis na nguso

Kasing nipis at bilis ng hangin;

Ang mikrobyo ay naglakbay.

Sa walang malay na dugo;

Dinadakdakan nang kamandag.

Nababalisa sa pagkakahiga,

katawa’y nagliliyab.

Diwa’y inuugoy

Nang samut-saring pangamba.

Mapulang likodo’y

Sinupil ng kulay bulak na lusaw;

Katawa’y nangangatal;

Isipa’y pagal.

Sa biyaya ng kadugo;

Pangrap ay ‘di gumuho

UBAN

JOHNATAN CAJARA EUGENIO

Uban

Pagdaka’y naka sinsin

Sa bawat yungib ng anit.

Nagsusumiksik sa maiitim na hibla.

Sa haplos ng kamay;

Kinang mo’y sumilaw,

Mata ko’y nasilaw.

Sa kapangyarihan ng tsani,

Ikaw’y inagaw.

Tuesday, July 14, 2009

The Harry Potter Journey


The compelling swiftness of time accelerate us to accept the challenge of the Harry Potter. When I was called to choose a students to represent the PEDHS
in the HARRY POTTER DAY in liue with the upcoming release of 6TH Harry
Potter film. I had chosen instantaneously IV-2 as a representative in the said event.Without any shadow of doubt, I announced it to them like a thief in the night. The students were very excited upon knowing that we were invited by the GMA 7, specifically the morning talk show Unang Hirit.

The excitement escalated in a defeaning roar of thunder, their voices were stirred by a titillating emotional outburst. The gentle class turned untamed and bodly wild--- their innocent faces and looks were transformed in a splendid delight. Similar in the harmony and calmness of the Pacific Ocean, but when seasoned has changed its calmness was a nightmare to the seafarer.

Before the first ray of the sun touch the ground. Those students have become Owl in the jungle of the night. Motivated and deeply unscathed to wake up and travel in the unfamiliar road and unfriendly sight and scenery of the nighttime. Some of them have arrived late in the consensus departured time. While the dark sky is saying goobye. The four L300 Vans have moved in tremendous speed to catch the serenity of mist in the air. At 5:25, five minutes advanced in the scheduled airing of the program our feet have touched down in the beautiful array of landscape in the Monte De Portifino, Alabang, Muntinlupa.

We were given a black toga to wear and comouflaged like the stars in the Harry Potter Film. Laughter upon laughter...echoed in the horizon of Portifino. Bonding were rekindled in front of the fountain, Owl, Cat, and Frogs. In the closing of the curtain, photo opts were spontaneously flashing, but all of them were magnificently in high spirits of this unforgettable journey.

Saturday, July 11, 2009

Kahalagahan ng Kalikasan


Batay sa sanaysay ni: Analyn Omolon IV-2

Ang bansang pilipinas ay isa sa pinakamayamang bansa sa Asya, hindi mayaman sa salapi pero maunlad sa likas na kayamanan. Gaya ng kasabihan, "hindi lamang ginto ang kumikinang," hindi lamang ginto ang maituturing na kayamanan. Maging ang kayamanan sa ating paligid ay maituturing na kayamanan---tulad ng kalikasan. Subalit, napapahalagahan nga ba ng tama ang ating kalikasan?

Di ba't lahat tayo'y nilikha ng Diyos! Nilikha na may kaniya-kaniyang tungkulin. Tayong mga tao ay nilikha upang pahalagahan at pagyamanin ang kaniyang mga likha. Gaano ba kahalaga ang kalikasan? Para sa akin sadyang napakahalaga ng kalikasan, dahil dito tayo kumukuha ng ating hinahain sa ating hapag-kainan; tulad ng isda na nakukuha sa ating katubigan, mga prutas, gulay at bungang kahoy na makukuha sa halamanan. Dito rin tayo kumukuha ng mga kasangkapan sa paggawa ng bahay.

Pero, nakakalungkot isipin na unti-unting nasisira ang ating kapaligiran. Unti-unting nawawala ang ganda ng mga itinuturing na kayamanan. Ang karagatan na dati'y kulay asul ngayon ay naging itim. Papaano na nga ba ang mga kabataan sa hinaharap? Wala nang malalanguyan ng malinis na tubig, at wala na ring punong aakyatan, dahil sa walang habas na pagputol, ngunit hindi naman napapalitan; wala na rin tayong malalanghap na malinis na hangin sa hinaharap dahil wala na ang mga punong sumasala sa malinis na hangin. Kapag tuluyang nawala ang mga puno, mawawalan ng balanse ang ecosystem. Ito ay magdudulot ng matinding init sa mundo. Kapag dumating naman ang panahon ng tag-ulan o bagyo, madaling matatangay ng tubig ang lupa, dahil wala ng kumakapit dito. Maari itong magbunga ng pagkamatay ng mga tao na nakatira malapit sa mga dalisdis o paanan ng bundok. Sa ating kapaligiran din kumukuha ng mga trabaho ang mga tao, gaya ng pangingisda at pagsasaka.

Sana nga ay matigil na ang mga illegal na ginagawa ng mga tao sa ating kalikasan, dahil tayo rin ang maapektuhan nito sa huli---lahat tayo ay madadamay. Kaya kung ako sa inyo sama-sama nating pangalagaan at pahalagahan ang ating likas na yaman. Sa pamamagitan ng pagtatanim muli ng mga puno sa ating paligid. Tayo na rin ang magdidisiplina sa ating sarili na huwag tapunan ang ating mga katubigan, malaki ang maitutulong nito sa kabuhayan!

Friday, July 10, 2009

Hustisya! Sa Naghihinagpis na Klima


Itinuturing na ang tao ay pinakamataas sa lahat ng uri ng nilalang. Bilang isang Homo Sapiens na ibig sabihin ng Homo ayTao, Sapiens ayMatalino. Kapag pinagsama ay matalinong tao. Subalit, paano nagiging matalino ang tao kung ang kalikasan na kanyang tahanan at tanging-yaman ay walang awang ginagahasa ng mga mga usok na lumalason sa hangin mula sa mga industriya, iba't ibang kemikal na walang humpay pumapatay o lumalason sa sa ilog at dagat, mapamuksang mga sandatang kemikal, pagkalbo sa kabundukan, at walang habas na pagpatay sa mas mababang uri ng species.

Totoong tayo ay nasa panahon ng pagiging modernong tao, dahil sa biyaya ng teknolohiya. Ang paggamit ng cellphone, MP3,4,5....at marami pang iba. Nandiyan ang pagsulpot ng mga microchips na pamalit sa utak ng tao. Libangan na sobrang hightech na nagbibigay ng sobrang aliw sa ating mapaglarong isipan at bahagharing paningin.

Kung kaya'y sa mumunting patulang sanaysay na ito ay susubukan kong sagutin ang mga katanungan ng kalikasan. 1.) Bakit tila nagiging palaisipan ang kalikasan? 2.) Bakit nagiging matampuhin at maramot ang panahon? 3.) Bawat madalas ang kalamidad sa sahig ng daigdig?



Kung kailan namumulaklak ang teknolohiya at ang bawat tao ay naniniwala sa kapangyarihan ng siyensiya; saka nalalanta ang teknolohiya at nawawalan ng pangil ang siyensiya sa pabago-bagong timpla ng klima.

Kung kailan ang antas ng edukasyon ay kasing tayog ng ulap at ang sibilisasyon ay nasa alapaap; saka pa tayo nagiging mangmang sa mensaheng ng kalikasan.

Kung kailan ang mga pilosopiya sa patakarang pang-ekonomiya at pulitika ay sumusulong; tila ang elemento ng kalikasan ay umuurong.

Kung kailan ang kapayapaan ay buong-lakas na sinusulong; saka pa siya hindi nagiging payapa.

Kung kailan ang digmaan ay saglit na natatapos at nalulutas; ang kaniyang pakikidigma ay walang katapusan.

Kung kailan ang bawat karamdaman ay nabibigyang lunas; tila ang kaniyang karamdaman ay lumulubha at walang lunas.

Kung kailan ang tao ay labas-masok sa kalawakan; ang bagsik niya ay tila walang katapusan.

Kung kailan natin nauunawaan ang kaniyang bawat galaw; saka nagiging aggresibo at lubhang mailap ang Inang Kalikasan.


Kung Kailan ang mga nilalang ay lumilikha ng bagong paraiso ayon sa kaniyang nais at kasiyahan; ang natural na paraiso ay unti-unting naglalaho.

Kung kailan ang bawat tuktok ng gusali ay mahirap tanawin; ang hatid niyang delubyo ay abot tanaw ng paningin.

Habang naghahanap ng tagapaglitas ang bawat nilalang; ang kalikasan ay patuloy na nagliligtas.

Kaya't wika ni Joey Ayala, "....karaniwang tao saan ka tatakbo kapag nawasak iisang mundo
karaniwang tao anong magagawa upang bantayan ang kalikasan...."

Tulad ng tao na may hininga--- ang kalikasan ay may buhay, kamalayan, at damadamin tulad natin na dapat makadama ng pagmamahal at pag-aaruga.

Wednesday, July 8, 2009

SANGGOL


(J.C.Eugenio)

Bigkis-bihis sa kanlungan naghinagpis;
Himas-pukaw sa bawat hikbing umaapaw;
Kidlat-mulat sa sakit na nakakagulat;
Waldas-perlas para sa walang malay na hiyas.

Sagutin kung ano ang tinutukoy ng tula.

Salamat!

Friday, July 3, 2009

Sample Script

Sample of Script



Division of Script
A. Sinaunang Rome
1. Sinaunang Lipunan ng Rome
2.Sinaunang Relihiyon

B. Ang Republika ng Romano
1. Pundasyon ng Republika
2. Tagumpay ng Plebian laban sa Patrician

C. Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome
1.....................
2....................

D. Unang Triumvirate
1.................................
2.................................


Mga Tauhan

Student 1- bilang si Pompey
S2 - bilang sina Crassus Dives at Octavius
S3 - bilang sina Julius Ceasar
S4 - bilang sina Cleopatra
S5 - Bilang sina Marcus, Brutus, Aurelius, at senado


Background:

Ang Rome ay kabilang sa mga pinakamatagumpay na imperial powers sa kasaysayan. Ang Rome
ay umusbong mula sa maliit na bayan sa Tiber river sa gitnang Italya patungo sa isang malaking imperyo sa halos yumakap sa buong Inglatera. (just add more info)

Narrator: Sina Remus at Romulus ay anak ng Diyos na si Mars. (It depends upon the length of the statement of the narrator)

S1...........................................
S2..........................................
S3.........................................
S4...........................................
S5.............................................

Narrator

Scene 2 (This is the line of different characters)
1...........................................
S2..........................................
S3.........................................
S4...........................................
S5.............................................

Narrator

Scene 3
1...........................................
S2..........................................
S3.........................................
S4...........................................
S5.............................................

Narrator

Scene 4
1...........................................
S2..........................................
S3.........................................
S4...........................................
S5...........................................

Summary





PAGASPAS

(Johnatan C. Eugenio)

Ang may-akda ay kasalukuyang Scholar na Master of Art’s in Business Administration

3rd Place Winner sa 2008 NSO Writing Contest sa Muntinlupa

Nagmumuni-muni si Darwin sa tuktok ng gusali ng kanyang tinitirhang condominuim, hindi alintana ang malakas na bugso ng hangin na yumayakap sa buo niyang katawan, at matinding init na humahalik sa kanyang balat. Taimtim niyang pinagmamasdan ang mga kalsada at gusaling naging karamay niya sa tagumpay. Sa oras na iyon ay parang nangungusap sa kanya ang signal light ng kalsada, nagkakabuhol-buhol ang mga sasakyan sa pagsayaw ng Orange at Red na ilaw. Nalilito ang mga nagmamaneho sa tunay na kulay nito, naiinip naman ang mga pasahero sa usad pagong na takbo ng sasakyan. Nagkakagulo ang mga taong tatawid, nakikipag patintero sa mga sasakyang atras abante ang galaw at biglang sulpot ng mga motorsiklo sa gutter ng kalsada.

Pagkalipas ng ilang minuto ay mabilis na ninakaw ng dilim ang liwanag ng araw. Nangalit ang langit kasabay ng isang malakas na dagundong sa himpapawid, mabilis na sumirit ang isang guhit ng liwanag pababa sa lupa. Habang ang malakas na hangin ay sumusunod sa kanyang mahinhing galaw, at nagsusumamo na sundin ang tamang agos ng bawat pagaspas.

Saglit na namayapa ang paligid, tanging batingaw ng isang malakas na dagundong ang yumanig sa lupa, hindi nakayanan ng hangin na buhatin ang bawat daluyong nang katawan ni Darwin na tuluyang humimlay sa lupa.

Nagkakagulo ang paligid sa kaliwa’t kanang pagtunog ng telepono mula sa tawag ng mga investors na matiyagang nagmamasid sa galaw ng merkado sa Stock Market. Bawat araw ganito ang kapaligirang ginagalawan ni Darwin, bilang isang Broker ay kailangan niyang bigyan ng impormasyon ang mga mangangalakal sa katayuan ng mga negosyo na pinaglalagakan ng kanilang salapi. Dahil sa kanyang husay sa paghimok at pangangalaga ng mga namumuhunan ay hinahangaan siya at kinaiingitan ng kanyang mga katrabaho.

Ang kanyang halakhak ay nagsisilbing inspirasyon ng kanyang kaibigan na magkaroon ng magandang pananaw sa buhay; ang bawat ngiti ay nagsisilbing kalakasan sa pagal na katawan.

“ Mga tol, kapag ako ay yumaman magtatayo ako ng kompanya at kayo ay kukunin kong bilang mga consultants,” wika ni Darwin.

“Hindi malayong marating mo ‘yan dahil sa husay mong manggayuma ng mga kleyente natin…hahaha ang malakas na bigkas ni Eric.”

Isang malakas na tunog na nagmumula sa cellphone ang gumising sa kanyang mahimbing na pagkakatulog, marahan niyang kinapa ang switch ng ilaw at dinampot ang CP sa ibabaw ng computer table.

“Hello, who is this?” tanong niya.

“ Sorry for disturbing your sweet dreams Darwin, I’m Mr. Chin, one of the investors in the telecommunication industry. Remember our conversation a month ago that I’m looking for an analyst in my company” pahayag niya.

“ Yap, I still remember it! Sir, had you had an analyst?” interesadong pagtatanong niya.

“ Yes! It was you.” magiliw na pahayag ni Mr. Chin.

Saglit na huminto ang kanyang mundo dahil sa pahayag na ‘yon.

Hindi niya maintidihan ang matinding tuwa at galak na bumabalot sa kanyang katauhan. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang nagsilbing tugon.

“ So, are you in or out?” ang sunod na tanong ng intsik.

“ In, sir!” sagot niya.

“ If you are available tomorrow, kindly visit me at my office in Makati,” panghihikayat ng tsinoy.

Muling nabalot sa katahimikan ang kwarto ni Darwin. Tanging ang buga ng hangin na nagmumula sa singaw ng air-con ang kanyang kaagapay, at nagbibigay ginhawa sa buong katawan. Muli siyang bumalik sa kama upang ipahinga ang isip sa naudlot na pagkakahimbing at sulitin ang nalalabing oras na biyaya ng gabi.

“Oh, the time has come for my dreams to be heard
They will not be pushed aside and turned
Into your own all cause you won't
Listen.... ,“
dahan dahang lumalakas ang awitin ni Beyonce mula sa kanyang cell phone.

[Chorus]
“Listen, I am alone at a crossroads
I'm not at home, in my own home
And I tried and tried
To say what’s on my mind…,”
lalong lumalakas ang ring tone ng kanyang telepono.

Habang ang malamig na hangin ay pauli-ulit na humahalik sa kanyang mukha. Marahan siyang bumangon sa kama at ini-off ang ring tone ng cellphone. Nilagay sa fan ang air-con at binuksan ang bintana. At masusing pinagmasdan ang kalangitan, napansin niyang nagsusungit ang panahon, dahan-dahang gumagalaw ang makapal at maitim ang ulap. Nagbabadya ng isang malakas na ulan. Napaling ang kanyang pansin sa wall clock.

”Alas 8:00 na pala,baka nag-aantay na sa akin si Mr. Chin,” ang pangamba niya sa sarili.

Dali-dali niyang kinuha ang tuwalya at pumasok sa banyo. Binuksan ang shower at mabilis na sinabon ang buong katawan at nagbanlaw. Pagkabihis ay kinuha ang susi ng kotse, agad siyang bumaba ng hagdan at tinungo ang nakaparadang sasakyan, binuksan ang pintuan at agad na sinalpak ang susi sa susiian, ilang saglit lang ay nangibabaw ang tunog ng makina at ingay ng tambutso. Saglit na napaling ang kanyang pansin sa digital clock ng kotse. Napakamot siya at napangiti.

“ 7:00 lang pala,” wika niya sa sarili.

Naisip niyang matagal na ding hindi napapalitan ng battery ang wall clock. Muli siyang napangiti sa sarili, na tila ba nakikipaglaro ang tadhana.

Marahan niyang tinapakan ang pedal ng gasolina ng sasakyan at dahan-dahang inaangat ang kaliwang paa na nakatapak sa clutch. Ang mabilis na pagkumpas ng kanyang kanyang kanang kamay ay kasabay na paggalaw ng kambyo sa primera, sunod na hawak sa kambyo ay segunda. Lalong lumakas ang ingay ng makina at sunod-sunod na paglabas ng hangin sa tambutso at mabilis na pag-ikot ng mga gulong sa kalsada. Matulin niyang tinahak ang South Luzon Expressway papuntang Makati. Sa oras na iyon ay pansamantalang pinatay ng makapal na ulap ang maagang sikat ng araw. Lalong nagsungit ang panahon, bumuhos ang napakalakas na ulan. Bawat patak ay malakas na tumatama sa windshield ng sasakyan, pinindot niya ang wiper upang hawiin ang bawat patak ng ulan, at magkaroon ng liwanag ang salamin sa kanyang harapan. Ilang munuto ang lumipas, narating niya ang gusali ng opisina ni Mr. Chin na CEO ng isang Insurance Company. Naghanap muna siya ng parking area na kung saan ay maayos niyang maipaparada ang sasakyan.

Pagtapos maiparada ay kinuha ang payong na nakalagay sa ilalim ng upuan. Binuksan ang payong upang proteksyonan ang katawan sa tila nagagalit na kalangitan, at tinungo ang gusali.

“Good morning sir! What can I do for you?,” ang malumanay na bati at tanong ng receptionist. “I have an appointment with Mr. Chin, tell him that I’m here,” ang magalang niyang tugon.

“Just for a while sir,” tinawagan ng receptionis ang secretary ng CEO at ibinigay ang impormasyon.

“Sir, you may proceed to the office now, Mr. Chin is waiting for you.”

“Thank you,” tugon niya.

Dahan –dahan niyang hinakbang ang mga paa papunta sa direksyon ng opisina ng tsinoy. Sa labas palang ng pinto ay galak na galak siyang sinalubong nito. Niyakap siya ng mahigpit at tinapik tapik ang balikat. Agad na inutusan ang sekretarya na maghanda ng pagkain para kay Darwin.

“ I firmly believe that you will not disappoint me.” I thank the Lord for bringing you here,” ang pagmamalaking wika ng intsik.

“ Sir, it’s my privilege and honor to work with one of the most successful insurance company in the country,” ang pagpapakumbaba niyang tugon.

Pinaikot ni Mr. Chin ang kanyang upuan at pumaling ng tingin sa nagtataasang gusali sa labas ng kanilang opisina na nahaharangan lamang ng fiber glass na salamin. Walang kibo, nagmuni-muni, at bago muling iikot ang upuan paharap sa kanyang mesa ay kumuha muna siya ng lakas sa hangin. May ilang sigundo ding nanahimik ang silid ng opisina. Nag-aantay at nag-aabang sa susunod na salitang babasag sa katahimikan ng paligid. Maya-maya ay nagsalita ang tsinoy.

“ Before I have chosen you to be my financial analyst, I went to some of you clients and asked them why they were able to survive the company in the seemingly downturn of investment capital and foreclosure of the business.”

“All of them pointed you as their savior in redirecting and reassessing the financial flow of their business. Like them, I need your expertise to save my disintegrating company,” ang malungkot na pahayag ng CEO.

Bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala sa kalagayan ng kumpanya.

“ Sir, I will do my best to restore the financial stability of your business, and for now, I would like to review the financial records and investment of the company,” tugon niya.

Isang mahiwagang ngiti ang mabilis na gumuhit sa pisngi ni Mr. Chin. Biglang nabuhayan ng loob ang tsinoy at masiglang inabot kay Darwin ang mga dokumento na kanyang pag-aaralan at mabusising susuriin.

Agad niyang kinuha ang mga papeles at magalang nag-paalam upang pumasok sa pinapasukang opisina. Sa loob ng labing limang araw ay walang humpay niyang sinuri ang dahilan ng pagkalugi ng kumpanya. Bawat detalye ay kanyang inuusisa at nilapatan ng lunas upang maisalba ang negosyo ng intsik.

Makalipas ang isang buwan ay binigay niya ang resulta ng kanyang pag-aaral at konklusyon sa maaring solusyon na makakapag-ahon sa masamang katayuan ng kumpanya.

Binasa ni Mr. Chin ang ginawang pagsusuri ni Darwin. Nahikayat siya sa rekomendasyong ibinigay nito sa kanya. Dahil dito ay hinimok niya itong maging Presidente ng kumpanya at bibigyan ng malaking sahod, bahay at lupa na hindi niya kikitain sa kasalukuyang pinapasukang kumpanya.

Pinag-isipan niya itong mabuti. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay napagtanto niya na ito na ang pagkakataong matagal na niyang inaantay, ang katuparan ng kanyang mga pangarap. Pangarap na magkaroon ng sariling negosyo. Mamuhay ng masagana at mapasyalan ang magagandang tanawin sa Europa at Amerika.

Saglit niyang ipinarada ang sasakyan sa kahabaaan ng Roxas Boulevard. Pinagmasdan ang malawak na karagatan at ang papalubog na araw. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata upang damhin ang enerhiya ng kalikasan. Isang malakas na hampas ng hangin ang yumayakap sa kanyang buong katawan. Para siyang dinuduyan sa alapaap ng mga sandaling iyon. Damang-dama niya ang lubos na pag-aaruga ng inang kalikasan sa kanyang katauhan. Ang nalalabing sinag ng araw ay dahan-dahang humahalik sa kanyang mukha pababa sa talampakan.

Kasabay ng paghalik ng huling sinag ng araw sa lupa ay ang pagkagat ng dilim, at pansamantalang pananahimik ng hangin. Naging tila palaisipan ang buong kapaligiran. Unti-unti niyang binuka ang kanyang mga mata, ilang sandali lang ay may kakaibang pwersa na bumabalot sa kanyang katauhan, ito ay mabilis na kumalat sa buo niyang katawan, kasunod nito’y isa-isang pagtayo ng kanyang mga balahibo sa batok at kamay.

Hindi niya maintintidan kung saan nagmula ang mahiwagang pwersa. Inisip niya na sanhi ba ito ng kawalan ng sinag ng araw at ang mabilis na pagsakop ng dilim sa buong kapaligiran.

Muli niyang binaybay ang kahabaan ng Roxas Boulevard gamit ang bagong kotseng Volvo na ineregalo sa kanya ni Mr. Chin, dahil sa magandang kita ng kumpanya sa nakalipas na dalawang taon.

Ilang sandali pa ay ipinarada niya ito sa carpark ng isang condominium sa Fort Bonifacio. Marangya at mamahalin ang kanyang bagong bahay.

Pagpasok sa loob ng kwarto ay marahan niyang binuksan ang bintana upang sumagap ng sariwang hangin. Sa oras na iyon hindi naakit ng bagong buwan ang mga bituin sa kalangitan. Sa araw na iyon ay tila naging maramot sa kanya ang kalikasan. Kaya umupo siya sa sofa at dinampot ang remote ng T.V. na nakapatong sa maliit na mesa, at nanood ng balita, bigla siyang kinabahan ng marinig ang isang balita. Muli na namang nabalot ang kanyang katawan ng isang mahiwagang pwersa. Parang nirarayuma sa lamig ang kanyang buong katawan. Pinagkibit balikat niya lamang ito. Agad niyang piñatay ang telebisyon at humiga sa sofa at pinagmasdan ang chandelier. Pinagmamasdan niya ang liwanag na nagmumula sa ilaw.

Bumalik sa kanyang alaala dalawang taon na ang nakakalipas na kanyang surrin ang dahilan ng pagkalugi ng kumpanyan ni Mr. Chin, ang kanyang naging solusyon at rekomendasyon ay umutang muna sa mga local na bangko bilang operational expenses, at gamitin ang 15% shares ng mga financial holders bilang investment sa Madoff Investment Securities na nakabase sa Estados Unidos, dahil maganda ang record nito sa money managing firm.

Biglang nawalan ng liwanag ang buong paligid, naglaho ang kanyang pagsariwa sa nakaran. Agad niyang dinampot ang telepono at tinawagan ang receptionist ng gusali. Ipinaliwanag sa kanya na nag-brownout at kasalukuyang inihahanda ang generator. Hinanap niya ang flashlight na nakatago sa cabinet malapit sa T.V., agad niya itong binuksan at pumasok sa silid upang magpahinga. Ilang saglit lang ay nanumbalik ang liwanag sa paligid.

Kinabukasan, maaga siyang pumasok sa opisina. Iniabot sa kanya ng kanyang sekretarya ang dyaryo na Inquirer. Inilapag muna niya ito sa mesa at tinawagan ang kanyang Management Staff sa gaganaping pulong mamayang 10:00 ng umaga, ipinahahanda niya ang mga reports at financial statements ng bawat tanggapan.

Sumagi sa kanyang isipan na tawagan ang kanyang kaibigan na si Eric na matagal na niyang hindi nakikita. Natanggap ito bilang isang broker sa Wall Street Stock Market sa Amerika.

“ Pare, kamusta na,? tanong niya.

“Eto, hindi magkaugaga sa dami ng trabaho,” tugon ni Eric.

“Kailan ka ba uuwi ng Pilipinas? Mukhang nagpapayaman ka talaga ng husto diyan ah,” biro niya.

“Ikaw nga itong mayaman na dahil Presidente ka na ng isa sa pinakasikat na Insurance Company sa Pinas” ang ganting biro niya.

“Hindi naman, mabait lang talaga ang tadhana sa akin.” pagpapakumbaba niya.

“Medyo nga mahina ang kita ngayon dito dahil sa nagaganap na recession, nawawalan ng tiwala ang mga investors na mamumuhunan sa Stock Market,” paliwanag niya.

Dalawang taon na rin ang nakakalipas ng huli silang magsama sa isang pasyalan at pinag-usapan ang kanilang mga plano sa buhay. Sa kanilang pag-uusap ay ibinida nito ang paghanga niya sa pamamahala ni Madoff sa salapi ng mga investors sa Wall Street. Ipinagmalaki niya sa kaibigan ang milyong salapi na natanggap ng kumpanya mula sa Madoff Investment Securities, bilang interest sa investment nito, at ang pagdagdag niya ng isang daang milyong piso bilang karagdagang investment. Sa gitna ng kanilang pag-uusap isang impormasyon ang bumasag sa malutong niyang halakhak.

Pagkatapos makausap ang kaibigan ay hindi na siya nakapagsalita. Muli na naman niyang naramdaman ang mahiwagang pwersa na gumagapang sa kanyang buong katawan.

Nakumpirma niya sa kaibigan ang impormasyon sa telebisyon na kanyang napanood kagabi. Ayon sa foreign news, “…Madoff used a Ponzi Scheme, stealing capital from new clients to pay profits to existing one. He stashed the $13 B handed to him by investors in a bank account.”

Upang malibang ay binasa niya ang bagong sipi ng dyaryo ng Philippine Daily Inquirer na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Lalo siyang nanlumo sa nabasa.

“The investigation has found that in reality Madoff never made any investments, instead using the money from new investors to pay returns to existing clients---and to finance a lavish lifestyle for his family.” Lalo siyang nanlumo sa nabasa.

Pansamantala muna siyang bumaba sa gusali ng opisina upang magpahangin. Subalit talagang naging maramot ang kalikasan, kahit kaunting pagaspas sa kanya ay ipinagkait.

Maya-maya ay tinawagan siya ni Mr. Chin tungkol sa isang nakakakilabot na balita. Galit na galit ang intsik sa kanya, dahil dinagdagan niya ng 5% ang karagdagang investment noong nakaraang isang buwan.

Pagkalipas ng dalawang linggo ay naging laman ng pahayagan ang kanilang kumpanya. Kasabay nito ang pagdagsa ng mga financial holders na nais bawiin ang kanilang inilagak na salapi.

Ara-araw ay puro pagtuligsa ang naririnig ni Darwin sa mga balita. Pati Congress at Senate ay mag-iimbistiga sa dahilan ng pagkalugi ng kumpanya.

Alam niya ang magiging kahinatnat ng gulong kanyang kinasasangkutan.

Sa nakalipas na mga araw ay masidhi niyang hinahanap ang nalalabing sinag ng araw. Pilit na inuunawa at tinutuklas ang palaisipan ng kapaligiran, ang kakaibang pwersang bumalot sa kanyang katauhan, at dagliang pagsakop ng dilim sa buong kapaligiran. Sinasagap at nilalasap ang bawat pagaspas ng hangin na nagsisilbing senyales sa paparating na bangungot ng buhay.