"Kung itinuturing mo na BOBO ang mga taong di makaintindi ng mga pormula sa MATH at PHYSICS; mababa ang marka sa mga asignatura; di makaunawa ng pa-ingles-ingles mong salita; di tulad mo na Valedictorian nung hay-iskul at Cum Laude nung kolehiyo. Ngunit di ka marunong MAKINIG at UMUNAWA: BOBO ka parin kahit buklatin mo ...pa ang anumang DIKSIYONARYONG FILIPINO."
"Kung susulong ka, sikapin mo munang ihakbang ang binti ng pagtitimpi bago mo tuluyang ihakbang ang imahinasyon ng iyong kaisipan at palutangin sa hangin ang kislap at talim ng iyong paninindigan."
"Pinapayapa ng halakhak ng kaligayahan ang puntod ng mga kabiguan at inililibing nito ang mga hilahil ng damdamin na nag-iwan ng mga latay ng aral ng buhay."
"Naglalakbay ang aking panulat sa samyo nang buntong hininga ng aking karanasan na tumatangis sa aliw-iw nang gunita at humihikbi sa hambalos ng mga nagmamakaawang tinig sa silong ng langit, habang sinusuyo ng aking katha ang kislap ng ligaya at taluto't ng ginto ng pag-asa."
"Mas makabuluhan ang pangarap na tinanglawan ng dilim kaysa sa sinakluban ng liwanag."
"Ang pag-aasawa ay 'di biro lalo na kung pikon ang iyong mapapangasawa."
"May lakas ng loob ka pa bang bitawan ang salitang "gusto" kung ang gusto mo ay di "husto" sa'yo at ang husto sa'yo ay di mo gusto? Paano pa kaya kung ang gusto mo ay husto sa di mo gusto? Lalo na't kung ang di mo gusto ay husto sa gusto mo. Ano husto pa ba ang isip mo sa gusto mo?"
"May pagkakataon na kailangan nating mabasag upang maging ganap ang ating pagkatao"
"Education begins and ends with thyself. Thyself begins and ends with education."
"The greatest perspective in life is the perspective of the heart. It magnifies everything that radiates within the beams of your mind, body and soul."
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay JEJEMON."
"Paano mo mamahalin ang iyong buhay kung walang kang paa at kamay? Ano ang magiging pananaw mo sa buhay kung tila pinagkaitan ka ng tadhana? Minsan akong akong huminto at nag-isip. Huminga ng malalim at nagmuni-muni. Napagtanto ko na hindi mahalaga kung paano ka nagsimula, kundi kung paano naging makabuluhan ang buhay mo."
Sa Alaala ng Payatas X
4 years ago