BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, August 5, 2009

Ang Mga Kwentong Ewan ni Intok Boknoy (4)

Batsilyer ng Agham sa Libreng Tikim


Tayong mga Pilipino ay mahilig sa libre. Kaya karamihan ng mga politiko ay mahilig manlibre kahit na sa kaban ng bayan nagmumula ang salaping ipamimigay. Ang mahalaga ay libre.May kasabihan si Intoy Boknoy na "kapag nagugutom, sa mall ang tuloy, at hanapin ang pagkain sa mga nagpapatikim...tsibog lang tsibog...hanggang mabusog."

Linggo, nagsisik-sikan ang tao sa Mall. Naisipan ni Intoy Boknoy na mamasyal sa Mall kasama ang kanyang kumpareng si Nonoy Tsibog. Matapos ang matagal na pag-iikot na walang patutunguhan at paglalakad ng patingkayad ay nagutom ang magkaibigan.

"May naamoy ako na masarap," padale no Noynoy Tsibog.

"Para kang aso, ang lakas ng pang-amoy mo," hirit ni Intoy.

"Hindi ah...ganito lang ako pag-gutom matalas ang pang-amoy," depensa sa sarili.

Nakita nila ang isang babae na nagmimigay ng pagkain na nakabalot sa silver foil.

"Bilisan mo baka tayo maubusan," pagmamadali ni Intoy.

"Kita mo 'to...kunwari ka pa. E, ikaw 'tong masiba," ganting-padale no Noynoy.

Agad silang kumuha at humirit pa ng extrang balot. Pumunta sila sa tabi at kinain ang pagkain. Pagkatapos kumain ay nilapitan nila yung promo girl.

"Bakit iba yung kulay ng bigas n'yo at parang malata," tanong ni Intoy.

"Oo nga...pansin ko din!" segunda de kabayo ni Tsibog.

Nakangiti lang na nakikinig sa kanila ang babae. May gusto s'yang sabihin pero hindi maawat ang bibig na dalawa sa kakasalita.

"Hindi mabibili 'yang produkto n'yo," bagsak sa quality.

"Oo nga...pansin ko din!" segunda de Aso ni Noynoy.

Hindi na naka tiis ang promo girl at nagsalita na.

"Teka...teka...binisa nyo po ba yung signage, bago kayo kumuha," pagalit na sagot ng babae.

"Hindi..Bakit!!" pagalit din na sagot ni Intoy.

"Oo nga...oo nga," segunda de maton naman si Tsibog.

Binasa nila ang nakasulat: Free- DOG FOOD- Taste.

Bhikkk...Bhikkkk....pweeee...pweeeeee....


0 comments: