JOHNATAN CAJARA EUGENIO
Dengue
Mahimbing ang aking tulog,
Panatag ang aking pakiramdam.
Diwa ko’y hinaharana
Ng himig nang panaginip,
Sa daigdig ng kawalan.
Pakpak ay bumulusok,
Dahan-dahang dumapo.
Nagnakaw ng sariwang dugo,
Gamit ang manipis na nguso
Kasing nipis at bilis ng hangin;
Ang mikrobyo ay naglakbay.
Sa walang malay na dugo;
Dinadakdakan nang kamandag.
Nababalisa sa pagkakahiga,
katawa’y nagliliyab.
Diwa’y inuugoy
Nang samut-saring pangamba.
Mapulang likodo’y
Sinupil ng kulay bulak na lusaw;
Katawa’y nangangatal;
Isipa’y pagal.
Sa biyaya ng kadugo;
Pangrap ay ‘di gumuho
1 comments:
simple pero may laman po siya hahhahahaha......
----^_^----
Post a Comment