BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, July 10, 2009

Hustisya! Sa Naghihinagpis na Klima


Itinuturing na ang tao ay pinakamataas sa lahat ng uri ng nilalang. Bilang isang Homo Sapiens na ibig sabihin ng Homo ayTao, Sapiens ayMatalino. Kapag pinagsama ay matalinong tao. Subalit, paano nagiging matalino ang tao kung ang kalikasan na kanyang tahanan at tanging-yaman ay walang awang ginagahasa ng mga mga usok na lumalason sa hangin mula sa mga industriya, iba't ibang kemikal na walang humpay pumapatay o lumalason sa sa ilog at dagat, mapamuksang mga sandatang kemikal, pagkalbo sa kabundukan, at walang habas na pagpatay sa mas mababang uri ng species.

Totoong tayo ay nasa panahon ng pagiging modernong tao, dahil sa biyaya ng teknolohiya. Ang paggamit ng cellphone, MP3,4,5....at marami pang iba. Nandiyan ang pagsulpot ng mga microchips na pamalit sa utak ng tao. Libangan na sobrang hightech na nagbibigay ng sobrang aliw sa ating mapaglarong isipan at bahagharing paningin.

Kung kaya'y sa mumunting patulang sanaysay na ito ay susubukan kong sagutin ang mga katanungan ng kalikasan. 1.) Bakit tila nagiging palaisipan ang kalikasan? 2.) Bakit nagiging matampuhin at maramot ang panahon? 3.) Bawat madalas ang kalamidad sa sahig ng daigdig?



Kung kailan namumulaklak ang teknolohiya at ang bawat tao ay naniniwala sa kapangyarihan ng siyensiya; saka nalalanta ang teknolohiya at nawawalan ng pangil ang siyensiya sa pabago-bagong timpla ng klima.

Kung kailan ang antas ng edukasyon ay kasing tayog ng ulap at ang sibilisasyon ay nasa alapaap; saka pa tayo nagiging mangmang sa mensaheng ng kalikasan.

Kung kailan ang mga pilosopiya sa patakarang pang-ekonomiya at pulitika ay sumusulong; tila ang elemento ng kalikasan ay umuurong.

Kung kailan ang kapayapaan ay buong-lakas na sinusulong; saka pa siya hindi nagiging payapa.

Kung kailan ang digmaan ay saglit na natatapos at nalulutas; ang kaniyang pakikidigma ay walang katapusan.

Kung kailan ang bawat karamdaman ay nabibigyang lunas; tila ang kaniyang karamdaman ay lumulubha at walang lunas.

Kung kailan ang tao ay labas-masok sa kalawakan; ang bagsik niya ay tila walang katapusan.

Kung kailan natin nauunawaan ang kaniyang bawat galaw; saka nagiging aggresibo at lubhang mailap ang Inang Kalikasan.


Kung Kailan ang mga nilalang ay lumilikha ng bagong paraiso ayon sa kaniyang nais at kasiyahan; ang natural na paraiso ay unti-unting naglalaho.

Kung kailan ang bawat tuktok ng gusali ay mahirap tanawin; ang hatid niyang delubyo ay abot tanaw ng paningin.

Habang naghahanap ng tagapaglitas ang bawat nilalang; ang kalikasan ay patuloy na nagliligtas.

Kaya't wika ni Joey Ayala, "....karaniwang tao saan ka tatakbo kapag nawasak iisang mundo
karaniwang tao anong magagawa upang bantayan ang kalikasan...."

Tulad ng tao na may hininga--- ang kalikasan ay may buhay, kamalayan, at damadamin tulad natin na dapat makadama ng pagmamahal at pag-aaruga.

2 comments:

☻☻jennifer☻☻ said...

,hi sir si jennifer argana poh 2 from sec.10...mag cocomment lang po ako sa about sa ''hustisya sa matampuhing klima....


-sinasabi po d2 na ang bawat taong nilikha na kinalooban ng isip ay ginagamit upang ang bansa'y umunlad mula sa mumunting mga bagay na ginagamit sa personal na naiimbento ngunit sa kabilang banda ang mga bagay na ito ang unti-unting pumapatay sa ating kalikasan.Ito ang bumubutas sa atng ozone layer na ating kailangan para maging pantay ang natatanggap natin init...Ngunit sa ngayon nalalaman na natin ang epekto sa pagsira ng tao sa ating kapaligiran...Gusto nyo rin ipabatid sa bawat taong nabubuhay na pangalagahan ang tangin planeta na maaaring tirahan ng tao...

Jonah Placido said...

sir, nakakenjoy po yung mga pino-post niyo dito.. ang lalim nung iba.. at saka meaningful tlga.. nakakatuwa po...sana mbsa din ng mrmi..heheh... gue po.. saludo ako sa inyo! hekhekhek,,, God bless..