BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday, July 11, 2009

Kahalagahan ng Kalikasan


Batay sa sanaysay ni: Analyn Omolon IV-2

Ang bansang pilipinas ay isa sa pinakamayamang bansa sa Asya, hindi mayaman sa salapi pero maunlad sa likas na kayamanan. Gaya ng kasabihan, "hindi lamang ginto ang kumikinang," hindi lamang ginto ang maituturing na kayamanan. Maging ang kayamanan sa ating paligid ay maituturing na kayamanan---tulad ng kalikasan. Subalit, napapahalagahan nga ba ng tama ang ating kalikasan?

Di ba't lahat tayo'y nilikha ng Diyos! Nilikha na may kaniya-kaniyang tungkulin. Tayong mga tao ay nilikha upang pahalagahan at pagyamanin ang kaniyang mga likha. Gaano ba kahalaga ang kalikasan? Para sa akin sadyang napakahalaga ng kalikasan, dahil dito tayo kumukuha ng ating hinahain sa ating hapag-kainan; tulad ng isda na nakukuha sa ating katubigan, mga prutas, gulay at bungang kahoy na makukuha sa halamanan. Dito rin tayo kumukuha ng mga kasangkapan sa paggawa ng bahay.

Pero, nakakalungkot isipin na unti-unting nasisira ang ating kapaligiran. Unti-unting nawawala ang ganda ng mga itinuturing na kayamanan. Ang karagatan na dati'y kulay asul ngayon ay naging itim. Papaano na nga ba ang mga kabataan sa hinaharap? Wala nang malalanguyan ng malinis na tubig, at wala na ring punong aakyatan, dahil sa walang habas na pagputol, ngunit hindi naman napapalitan; wala na rin tayong malalanghap na malinis na hangin sa hinaharap dahil wala na ang mga punong sumasala sa malinis na hangin. Kapag tuluyang nawala ang mga puno, mawawalan ng balanse ang ecosystem. Ito ay magdudulot ng matinding init sa mundo. Kapag dumating naman ang panahon ng tag-ulan o bagyo, madaling matatangay ng tubig ang lupa, dahil wala ng kumakapit dito. Maari itong magbunga ng pagkamatay ng mga tao na nakatira malapit sa mga dalisdis o paanan ng bundok. Sa ating kapaligiran din kumukuha ng mga trabaho ang mga tao, gaya ng pangingisda at pagsasaka.

Sana nga ay matigil na ang mga illegal na ginagawa ng mga tao sa ating kalikasan, dahil tayo rin ang maapektuhan nito sa huli---lahat tayo ay madadamay. Kaya kung ako sa inyo sama-sama nating pangalagaan at pahalagahan ang ating likas na yaman. Sa pamamagitan ng pagtatanim muli ng mga puno sa ating paligid. Tayo na rin ang magdidisiplina sa ating sarili na huwag tapunan ang ating mga katubigan, malaki ang maitutulong nito sa kabuhayan!

1 comments:

endure-nature.blogspot.com said...

you know sir this is much better to post the essay about nature.In order for the people to inspire and urge them to love mother earth because i'm becoming so temperemental when it comes to the point that nature is suffering from the hands of the "no-soul" being. That's very good