BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday, July 25, 2009

Ang Mga Kwentong Ewan ni Intoy Boknoy

(BSV) Bachelor in Science in Vulcanizing
Sadyang mautak ang pinoy saan man larangan. Ika nga wais tayong mga Pilipino pagdating sa pangogoyo. Madalas natin ginagamit ang commonsense sa bawat aspeto ng pangangailangan. Bakit nga naman hindi, "Pinoy ata ere." Kaya't basahin natin ang pakikipagsapalaran ni Intoy Boknoy.

Noong nag-aaral si Intoy Boknoy sa High School ay hindi niya masyadong pinagbuti ang kanyang pag-aaral kaya't napag-iwanan siya ng kanyang mga kaibigan. Sa 'di inaasahang pagkikita ay nakatagpo niya si Boy Tino sa isang Mall habang siya ay namamasyal.

" Intoy, kamusta ka na," ang masayang bati ni Tino.

"Eh, katatapos lang ng BSV," ang pagyayabang niyang sagot.

"Wow naman! ano yun?" ang buong pagtataka ni Tino.

" Eh di Bachelor in Science in Vulcanizing, sabay kamot sa ulo," ang mahinang sagot niya.

"Hehehe....akala ko naman big time talaga eh," ang malutong na tawa ng kamag-aral.

"Ikaw, mukhang big time ka na ata ah?" tanong niya.

"Ndi naman pinalad lang na makapag-abroad, kaya nagkalaman ang pitaka,"ang pagpapakumbaba niyang sagot.

Saglit silang naglakad at niyaya siya ni Tino na kumain sa isang sikat na restaurant sa loob ng Mall.Habang kumakain ay napag-usapan niya ang magandang kapalaran na naranasan ng kaklase. At nang magpaalam ito ay bigla siyang napaisip ng malalim. Inisip niya na hindi naman nakapagtapos ng kolehiyo ang kanyang kamag-aral pero pinalad sa buhay. Kaya gagamitin niya ang kanyang commonsense.

"Mas wais atako sa kanya noong nag-aaral pa kami," pagyayabang niya sa sarili.

Kinabukasan... pumunta siya sa Recto upang magpagawa ng pekeng Diploma.

"Diploma...diploma...diploma...,"ang malakas na sigaw ng matanda sa isang sulok.

Agad siyang lumapit at nagpagawa ng Diploma. Makalipas ang ilang oras ay agad niyang natanggap ito, bagong-bago at malutong pa.

"Hehehe....naisahan ko din yung matanda. Peke din kasi yung perang binayad ko. Siguradong magwawala yun pagnalaman niya," pagmamalaki pa nito sa sarili.

"Hahaha... ito na ang aking kapalaran!" ang buong pagmamalaki niya.

Agad siyang pumunta sa isang Agency at nag-apply sa posisyon na kailangan ng kumpanya.

"Sige po sir, bumalik na lang po kayo bukas at dalhin niyo ang P10,000 libong piso upang i-proseso na po ang iyong papel," paalala ng Manager.

Paglabas sa opisina ng Agency.

"Nag-aral ba yung mga yun, hindi nila sinuri na peke ang diploma ko. Sa wakas makakalipad na rin ako papunta sa ibang bansa," ang buong kagalakan niya.

Agad siyang naghagilap na pera sa mga kaibigan. Ipinagmalaki niya sa mga ito na makakapagtrabaho na siya sa ibang bansa, at dodoblehin ang bayad kapag nagsimula na siyang mag-trabaho.

Kinabukasan ay agad niyang binigay sa Manager ng Agency ang salapi. Agad na inabot sa kanya ang passport. Pinababalik siya bukas para makuha ang Visa.Maaga siyang gumising at naghanda na agahan. Panay ang sipol niya at kanta.

Pagdating sa Agency.

"Sir, bakit po sarado ang gate ng opisina at ang daming tao?" tanong niya sa gwardiya.

"Commonsense kaya, peke yung Agency. Nagoyo kayo." sagot nito.

Wais ha......hehehehe........



2 comments:

lawrence_malabanan said...
This comment has been removed by the author.
lawrence_malabanan said...

-> AnG kuLiT nG StoRy... TlgAng Most FiliPiNos aRe saId To Be "maNggOgoyOs". PerO d NmaN lhat. Lalo n Sa pnHon NgaYon, TlgAng PautaKan At PataaSan LnG nG "cOmmOn SeNsE" aNg kaIlNgaN. WlaNg PAkiaLam Khit Kpwa PiliPinO nla Ang MbIktIma JuSt To Hve a BttEr lFe. MsKit Mng TnggAPin As a FiliPiNO Pero Un Ang Totoo... Haizz... Un Lng.