(BSEmbalKom) Bachelor in Science in Embalsamador
Napakahirap kumita ng pera. Sa panahon ngayon ay kailangan mong kumayod ng kumayod upang matugunan ang iyong pangangailangan. Sa pagmumuni-muni ni Intoy Boknoy ay kaniyang napagtanto na kung may pera sa basura ay may pera sa patay kaya siya ay nag-pursige na magtayo ng isang Funeral Shop. Katatapos niya lang ng kursong Bachelor of Science in Embalsamador sa isang Unibersidad ng Sementeryo malapit sa kanila.
Nakatanggap si Boknoy ng isang textmesij (text message) mula kay Boy Topak. Si Boy Topak ang kanyang aseyt (asset) sa loob ng Ospital upang alamin kung sino ang malapit nang matigok. Ayon sa kaniya, nakita niya ang isang matanda na hindi na gumagalaw. Nag-iiyakan na daw ang pamilya nito sa loob ng kwarto.
“Boy Tigas, kunin mo ang susi ng sasakyan at pupunta tayo sa Ospital!” sigaw ni Boknoy.
"Bilisan mo...!!!" tarantang sambot nito.
“ Y-yes bo-boss," pautal na tugon nito.
Agad na tinarak ni Tigas ang susi ng sasakyan sa ignisyon swych (ignition switch) at mabilis na pinaandar.
“Bilisan mo pa, baka tayo maunahan ng iba,” pagmamadaling utos nito.
Pinaharurot ni Tigas ang sasakyan. Mabilis na kinabig nito ang manibela pakaliwa nang biglang mawalan ng preno ang sasakyan.
“Aaaaaaayyyyyyy………aaayyyyyy…..,” sigaw nila.
Kablooommm! Tug-tug-tug-tug-tug. Ang huling tunog na nangibabaw sa paligid nila Boknoy.
Isang malakas na wangwang ng sirena ng Ambulansiya ang pumainlanlang. Agad silang nilagay sa loob ng ambulansiya at sinugod sa Ospital. Kahit nanlalabo pa ang paningin ay kinuha ni Boknoy ang kanyang selfon (cellphone) at nag-text, bago pa malobat (lowbat) ay nasynd (send) nito ang mensahero kay Boy Tigas.
Agad silang pinuntahan ni Tigas sa Emergency Room.
“Anong balita d’on sa namatay?” tanong nito.
“Eh…..Boss….kasi…eh…,” panay ang kamot nito sa ulo.
“Ano!?” pagalit na tanong ni Intoy habang nilalagyan ng yelo ang kanyang bukol sa ulo.
“Lumipat na ng kwarto yung matanda. Nabuhay kasi, eh…kayo na ata ang papalit,” pakamot na sagot nito.
Bwahahahaha………”Kung ano ang nangyayari ng Matanda ay mangyayari din sa Bata”…..toink….toink…..
1 comments:
-haha
-nakaktuwang isipan na may mga tao talaga na kailagang gawin ang lhat pra mabuhay.
-lalo na ang trabaho ay (BSE)?
Post a Comment