BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, July 30, 2009

Proyekto sa Unang Markahan

Proyekto para sa Unang Markahan


Mga Paksang Pagpipilian:

1. Tricycle drayber na babae
2. Dyipney drayber na babae
3. Sapatero
4. Magtataho
5. Magbobote
6. Nagtitinda ng mga kakanin
7. Mga batang nagtitinda ng sampaguita
8. Konduktor
9. Tanod sa Barangay
10. Bumibili ng mga relo, pilak, at ginto.
11. Gumagawa ng payong

Mekanismo sa Paggawa ng Proyekto

1. Bawat grupo ay pipili ng 3 paksa na nakasaad sa itaas. Iba't ibang paksa ang dapat na mapili ng bawat grupo sa isang seksyon. Hindi dapat makakatulad ang mga paksa ng bawat grupo. Ang paksang napili ay kailangan pang aprubahan na guro.
2. Ang paksang mapipili ay dapat na may kakaibang istorya.
3. Humanap muna ng tao na maaring gamitin na subject sa paksa.
4. Suriin muna kung ang napiling subject ay walang balakid sa gagawing proyekto.

Nilalaman ng Proyekto

1. Maghanda ng mga tanong na maaring gamitin sa pakikipag-usap sa subject at pa-aprubahan ito sa guro.
2. Alamin ang mga sumusunods sa subject:
a. Dahilan kung bakit iyon ang kasalukuyang trabaho
b. Ano ang mga magagandang hamon na hinarap nito sa napiling trabaho
c. Paano sila nakakatulong sa ibang tao
d. Paano nila napapasaya ang ibang tao sa kanilang trabaho
e. May naitutulong ba ang pamahalaan sa pag-unlad ng kanilang buhay
f. Kumuha ng maikling talambuhay ng subject noong siya ay bata pa at paano niya hinarap ang hamon ng buhay.
g. Kumuha ng dokumentasyon sa pamamagitan ng larawan ng subject at lugar
h. Gumawa ng dokumentasyon kung paano nakalap ang mga datos mula sa unang araw ng pangangalap ng datos tungkol sa subject.
i. Ilagay sa folder ang mga dokumento (larawan at dokumentasyon)
j. I-seynd sa aking email ang a-e na mga datos

Petsa ng pagpasa: Aug. 12, 2009

0 comments: