Sabay abot sa akin ang dilaw na damit. Buong gabing nagkwentuhan sina Itay at Itay. Siksikan raw sila Itay sa kahabaan ng Edsa. Kapit-bisig na nagdarasal at binabarahan ang kalsada sa harap ng mga dambuhalang tangke. Samantalang si Inay ay panay parangya sa ganda at lawak ng Malacanang. Maganda raw ang higaan ng pinatalsik na pangulo, nababalutan raw ito ng mga magagarang kurtina.
Paglipas ng labing isang taon ay saka ko lamang naintindihan ang kalayaang binabanggit ni Itay. Naging lider estudyante ako sa aking Unibersidad. Naging laman ng kalsada at naghahanap ng pagbabago sa lipunan. Mariin ko ring tinutulan ang pambansang sayaw ng mga pulitiko sa mga nakalipas na administrasyon. Natagpuan ko rin ang aking sarili sa gitna ng Edsa, kapit-bisig na nakikipagsiksikan na panatilihin ang kalayaan.
Ngayon ako ay ganap ng guro. Higit na nakakaunawa sa kahalagahan ng kalayaan. Humuhubog sa isipan ng mga bagong sibol na kabataan. Nagsasalita sa harapan ng mga kabataan na nakaupo sa mga kahoy na upuan. Nagsusulat ng mga puting linya at letra sa pisara.
“Patay na si Cory! Patay na si Cory!” ang malakas na tinig mula kay Tiya Zeny. Umugong ito sa aking pandinig. Agad akong bumalikwas sa higaan at binuksan ang T.V. sa loob ng aming kwarto. Pinanood ang balita, nalungkot ng makita sa harap ng telebisyon na pumanaw na ang dilaw na nilalang. Simbolo ng demokrasya at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Sinilip ko ang orasan, alas otso na pala ng umaga at may pasok pa ako sa Pamantasan. Hindi ko inalis ang aking tingin sa tapat ng telebisyon. Nagtatalo ang aking isip at damadamin. Kailangan kong pumasok sayang ang mataas na grado, baka hindi ko makuha ang minimithing titulo at sayang ang scholarship na mula sa gobyerno. “ ‘Di bale ng malate…’di bale na ang grado…’di bale na scholarship…ang mahalaga ay masilayan ko ang nagbigay sa akin ng dilaw na budhi.
3 comments:
-> HmmM... prang based po on your experience, npakalaking kwalan sa inyo ng pgkawala ng ating dting pngulong Corazon Aquino a.k.a. "tita Cory". Ako, bilang isang pilipno, khit hindi ko naabutan ang knyang panunungkulan at hindi nasaksihan ang knyang mga mabubuting ginawa, khit papaano nman ay nkakaramdam din nman ako ng "katiting" na kalungkutan. Khit sa mga phayagan, sa telebisyon, sa mga dokumentaryo, sa aklat, at sa mga usap-usapan ng mga tao ko lamang nsaksihan ang knyang mga kagandahang nagawa, 'ramdam ko ang kabutihan niyang taglay spagkat hnggang ngayon ay nararamdaman ng bawat pilipino ang mga "BUNGA" ng knyang mga nagawa dati... naging mgandang modelo sa bwat pilipino patungkol sa pagiging "proud" bilang isang pilipino O ang pagkakaroon ng damdaming "nasyonalismo" sa bansa. At tulad po ng inyong sinabi, maraming maraming salamat sa "demokrasya at kalayaan" na iyong ipinamalas at ipinararamdam mo s amin.
_lawrence_
"nakikiisa at nakikiramay sa pagkamatay ni tita Cory"
Hmmm... LFAO sir wak n poh keong mabahala sa pagkawala ni Corazon Aquino A.K.A Tita Cory dahil sasamahan nmn poh PGMA kz poh savi sa balita PGMA 'casket' para bng gusto talagang mawala nga si PGMA nabalittan q lng poh un sa T.V. XD
>_< Gerald X_x
nagiiisa ang sigay ng mga pilipino
mawala n si....
si manong simong taga saamin un XD..
Dilaw ang aking budhi..
sa sobrang dilaw, naninilaw n rin ang aking mata meron na ata qng sakit... XD
joke...
ang ganda ng blog napaluha aq ng sobra sobra nabaha na nga sa bahay..
ung isda nmin hindi na sa aquaruim nalangoy kundi sa sahig n nmin
nyak nyak nyak..
<3 Gerald IV-6..
Post a Comment