Friday, September 18, 2009
Anibersaryo
Mahiwaga ang buhay ng mga matatanda. Hindi matutumbasan ng salapi ang kanilang mga karanasan at karunungan. Nag-uusap ang mag-asawang Intoy at Inday Boknoy sa loob ng bahay dahil sa nalalapit na Diamond Anniversary ng kanilang kasal . Sa haba ng panahon nang kanilang pagsasama ay nabiyayaan sila ng labing anim na malulusog na anak na hindi magkasya sa kanilang pintuan.
“Alam mo Inday , sa tagal ng ating pagsasama ay itinuring na kita na para kong kapatid,” ang matamis na sambit ni Intoy.
“ Ganun!,”
“ Oo, kasi lagi tayong nagdadamayan sa hirap at ginhawa.”
Parang hinaplos ang puso ni Inday sa kanyang narinig mula kay Intoy.
“ Alam mo mahal, sa tagal na nang ating pagsasama ay itinuring na kitang anak,” ang matamis na wika ni Inday.
“ Ang sweet mo naman mahal” kindat nya sa asawa.
“ E, bakit mo naman nasabi ‘yon?,” tanong ni Intoy.
“ Parati ka kasing nadede sa akin” ang malaswang ngiti ni Inday.
“ Teka! Bakit parang umiinit ata ang aking pakiramdam?” usisa nito.
“Eh, kasi naman titingin din… ‘yang dede mo nakalaylay na sa kape mo,” bulalas na hakhak ni Intoy.
Mahirap talagang magparami at magpalaki ng labing anim na anak. Sus maryosep, makakalimutan mo ang sarili mo.
Posted by Nathan at 10:06 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment