BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, September 14, 2009

Sampung Utos



Sa panahon ngayon ay napakahirap humanap ng trabahong mapapasukan. Kailangan mong maging matiyaga at masipag sa trabahong pinasukan. Katatapos lamang ni Boknoy sa kursong abugasya sa Pamantasan ng Sagip-Isip. Natanggap itong abogado sa isang NGO Non-Government Organization.

Kringgg….kringggg…..kringgg….!!

Isang malakas na tunog ng telepono ang nagwawala sa mesa, agad itong sinagot ni Boknoy.

“Hello! This is operation 666,” ang bungad na bati nya.

“Tu-tulungan n’yo po kami! Huhuhu…inatake po ang aking ama at kami po ay
tinatanggihan sa Ospital, parang awa nyo na,” ang basag ng tinig ng isang babae.
Agad na tinungo ni Boknoy ang address ng bahay na ibinigay sa kanya ng babae.

Dahil agaw- buhay ang matanda ang panay ang iyak ng mga kaanak ay binilisan nya ang pagpapatakbo sa sasakyan. Di kalayuan sa simbahan ay nakita nya ang isang gusali na may nakasulat na Ospital. Panay ang pagtatalo ng mga kaanak kung saang Ospital dadalhin ang matanda.

Sa labis na pagkataranta at pagmamadali ay inihinto nya ang sasakyan at ibinaba ang naghihingalong matanda at mabilis na sinugod sa Emergency Room ng Ospital. Ngunit hinarang sila ng guwardiya. Hindi nakinig si Boknoy at niratratan nya ito tungkol sa mga karapatan ng pasyente.

“Unang utos! Bawal sa batas na tanggihan ang isang pasyente sa Ospital lalo na’t nag-aagaw buhay,” ang Attorney –no- case pagtatanggol nya.

“Ikalawang utos! Huwag mamimili ng pasyente ang Ospital”
“Ikatlong utos! Huwag humarang sa pintuan ng E.R.
“Ikaapat na Utos! Huwag ng usisain ang pasyente lalo na’t ito’y agaw-buhay.
“Ikaanim na utos! Buksan ang pintuan upang makapasok ang naghihingalong pasyente”

Walang nagawa ang nakatulalang guwardiya sa talas ng dila ni Boknoy patungkol sa batas.


Hehehe…abogado yata ako, kaya wala kayong laban sa akin.

Pagpasok niya sa E.R. ay bigla siyang nagulat sa kanyang mga nakita.

“Aw…aw…awhhooo…,” tahol ng mga aso.
“Huhuhu…hahaha…huhuhu..hahaha,” bigkas-gulat naman ng mga unggoy.

Lalong nagalit si Boknoy at pinaalalahanan ang mga duktor sa karapatan ng pasyente.

“IKapitong utos! Ayon sa Article 42 ng Ospital Code, bawal dalhin ng mga duktor ang kanilang alagang hayop sa loob ng Ospital habang nanggagamot…hmmmppp…!!,” ang mariing pagtatanggol nya.

“Ikawalong utos! Huwag gamitin ang dugo ng hayop bilang pansalin ng dugo”

“Ikasiyam na utos! Asikasuhin agad ang pasyente”

Hindi nakatiis ang isang Doktor at lumapit sa kanya.

“Ano po bang hayop ang ipapagamot nyo… hayop ba?” tanong nito.

“Ha-hayop… ka diyan, hindi mo ba nakita na naghihingalo na ang pasyente,” sagot nya.

“Ikasampung utos! Article 42 ng Animal Code, bawal dalhin ang tao sa Ospital ng mga hayop…hmmmppp!!,” mariing pagtatanggol nito.

Biglang may bumara sa lalamunan ni Boknoy at napalunok sya ng malalim.

Lalong inatake ang matanda sa kanyang narinig at tuluyang natigok.

0 comments: