BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, September 8, 2009

Himutok ng Tiyan

 

Nagdidiliryo ang bahay-gilingan;
nililingkis ang bawat magilingan.
Katawa'y nangingilabot,
paa'y naghihilakbot,
gabutil na pawis ay sumisiklot.
Lakad-takbong naghihikahos...
naghahanap nang malayang sulok;
mailabas ang kinikimkim na himutok.
Sa tuktok ng trono ay nakikipagtuos
buong lakas na pinaharurot...
kinulong ang salot
hanggang
ma
bu
lo
k
!

0 comments: