BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sunday, September 6, 2009

TOROTOT


Sa hihip ng hangin,
damdamin ay ikinubli.
Pinalipad sa pagaspas
ang sulo nang pag-ibig.

Ningas mo't ningas ko
ay matamis na nagsanib.
Sa saliw ng musika na
bingi ang nakikinig.

Nabulag ang puso
sa alab na taglay.
Mahimbing na nahimlay
sa makulay na parang.

Naupos ang tanlaw,
Hangin ay hinawi.
Nasilayan ang dambanang
May nagmamay-ari.


0 comments: