Isang takal, isang hagod, isang buhos
sa pila balde-baldeng nakatiwangwang,
sa tilamasik ng tubig mula sa tabo
na sinalok sa loob ng plastik na drum.
Isang kislap, isang kurap, isang hikab
sa politikong nakapagpabagabag
sa tilamsik na salapi mula kay Juan
na nagpapagal sa paghinog ng uhay.
Isang bagsak, isang tagak, isang putak
kay Juan na tumitilamsik sa sindak
sa mga anyong tupa na dugong-lobo:
kung minsan ay santo, minsan ay payaso.
Isang sibat, isang kidlat, isang pilat
sa agua de panakot sa mambabarang
na bumibiktima ng hinog na uhay
na gagawing midyum sa nalalapit halalan.
Isang lakas, isang bigkas, isang bukas
sa pagsasama-samang mulat,
sa tilamsik ng balota sa ballot box,
para sa pag-ahon ng lipi ni Juan.
Sa Alaala ng Payatas X
4 years ago
0 comments:
Post a Comment