"Bastos ka...bastos ka talaga! Lumabas din ang tunay mong ugali. Nakatira tayo sa iisang bubong, araw-araw tayong magkasama at sabay tayong kumakain pero inilihim mo sa akin ang kalagayan ni Mark! Para kang...pwet ng baso!" -Ms. Vilma Santos
“
I had to fly to the moon and back para maitawid ko ‘yung eksena na ‘yun with Ate Vi. Buti na lang nangibabaw ‘yung puso ni Noel (Lloydie’s character) over sa kaba na nararamdaman ni John Lloyd. Kahit papaano naka-deliver ako. Marami pang eksena na halos ganun ‘yung naramdaman ko nung gagawin na namin. Hindi madali na gumanap sa ganitong role na sila ang kasama mo. Bukod sa honor na makasama sila sa pelikula meron ding challenge na maka-deliver na nang mabuti. Sana magustuhan ng mga tao,” John Lloyd admitted.
More than getting acting tips from Vilma, John Lloyd also said that there is still so much that any actor can learn from working with the Star for All Seasons. “Pagmamasdan ko lang si Ate Vi sa set, walangka-effort-effort. Madami na akong natutunan sa kanya. Si Ate Vi mas masarap panoorin sa labas ng camera. Kapag napanood mo sa pelikula si Ate Vi maa-amaze ka talaga pero kapag walang camera mas marami kang makikitang magandang bagay sa kanya. Makikita mo ‘yung pagaasikaso niya sa lahat ng tao, mula sa aming co-actors niya, sa direktor, sa crew, sa lahat. Masarap ‘yung mga pagkaing dinadala niya kaya akala namin plano niya talagang patabain kami lahat, ha ha ha! Mas importante sa akin ‘yung mga bagay na natutunan ko kay Ate Vi bilang isang tunay na tao. Sa tingin ko ‘yun ang mga magpapatagal sa akin bilang artista.”
http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/4715/John-Lloyd-Cruz-regards-
In-My-Life-as-a-milestone-in-his-career.aspx
Nadala ako sa linyang binitawan ni Ms. Vilma Santos sa bago niyang pelikula na In my life. Grabe ang akting ng beteranang aktres. Astig naman ang drama ni John Lloyd. Isang hamon naman ang papel na ginampanan ni Lius Manzano.
Ang istorya ay umikot sa pagkatao, pagiging ina at pangarap ni Sherly na isang Librarian sa isang eskwelahan. Librarian na nalipasan na ng modernong panahon at nanatiling nakapako sa Old School na kaalaman. Ginamit na lunan (setting) ang paaralan dahil dito unang nagaganap at naisasakatuparan ang pagbabagong nagaganap sa kapaligiran. Ang paaralan ay linangan ng kaalaman upang ang bawat mag-aaral ay maging handa sa kasalukuyang hamon ng tadhana. At dahil ang pagbabago (change) ay ang permanenteng bagay sa mundo ay kailangang sumabay ang bawat indibidwal. Dahil nabuhay si Sherly sa panahon na hindi pa uso ang kompyuter, DVD, MP3, IPOD, at Internet ay nangangapa sa takbo ng panahon. Nangangapa sa pagbabago ng kultura ng mga kabataan.
Bilang single mom, naging matatag sya sa bawat hamon ng buhay upang bigyan ng pangarap ang kanyang tatlong anak. Pangarap na sumakal sa kalayaan ng kanyang mga anak na magkaroon ng sariling desisyon at makadama ng pagmamahal mula sa ina.
Bihirang makita sa mga pelikula ni Ms. V ang pagpapatawa. Talaga namang napahalakhak ako sa loob ng sinehan sa bawat kilos at bato nang linya ng bawat karakter na gumanap sa In My Life. Ito ay uri ng Comedy Drama na pelikula na kung saan ay bihirang gampanan ng Star for All Season. Pramis, mamamaga ang iyong esophagus sa kakatawa, tapos biglang mapipigil ang iyong tawa at babasagin ang puso mo sa mga madamdaming tagpo, kailangan mong pigilin ang pagpatak ng iyong luha para hindi naman dyahe sa mga nonood. Para kang isang baliw sa loob ng sinehan dahil sa pabago-bagong tagpo na nagaganap sa bawat eksena.
Hindi ko na pahahabain pa ang Film Review. Baka kasi maging spoiler ito sa nais pang manood. Hindi ka magsisisi matapos mong panoorin ang In my life. Hands-up talaga ako sa mga artistang gumanap. Swabe ang kanilang kombinasyon. Kaya ang masasabi ko ay Nobody, nobody like you...clap!clap!clap!
1 comments:
waw, tantizm, skeptic ako sa movie na to kasi madami nang lumabas na pelikulang ganito ang kwento. I did not expect much for a difference. Pero dahil sa review mo, sige papanoorin ko hehehe!
Post a Comment