Monday, September 21, 2009
Hipnotismo
Sa loob ng isang buwan ay pikit-manok na nilamay ni Boknoy ang librong "Hipnotismo." Nakapaloob sa librong ito ang tamang pamamaraan ng paggamit nito. Tatalab raw ito kung babanggitin ng tama ang orasyon: tukneneng ke kianto kuhaha istik tusoksok kwekkwek tomguts tailbug aaluglug.
Sinubukan nya muna ang bisa nito sa isang kulay tsokolateng pusa na nakasalubong nya sa kalsada. Tinitigan niya ito sa mata at sinambit ang orasyon...tukeneneng ke kianto kuhaha istik tusoksok kwekkwek tomguts tailbug aaluglug! di ito gumalaw at nagmistulang istatwa. Inutusan niya ito na atakihin ang itim na pusa. Mabilis itong lumundag at kinalmot nang kinalmot ang gulat na gulat na itim na pusa.
Meowwwwww....meowwwww!! Ang walang puknat na kanilang hiyawan habang pagulong-gulong...habulan at patalon-talon sa mga bubong ng mga kabahayan. "Tukneneng tgilgil bati pusatsup!" mabilis na tumahimik ang pusa. Nagulat ang mga nanonood na mga tao sa bigla nilang pananahimik at animoy matalik na magkaibigan na naglalakad at nakaakbay pa ang kulay tsokolateng pusa sa itim na pusa.
"Efektib nga!," sigaw nya sa hangin.
Kinagabihan ay nakita nya si Luningning na matagal nya nang iniibig. Matagal ding nawala sa kanilang lugar ang dalaga at may kumalat na balita na pinatay raw ito at ginahasa. Patay na patay si Boknoy sa karikitan nang nililiyag.
"Tukneneng tibokbok pusooo!" marahang sigaw niya sa orasyon. Huminto si Luningning at sumama sa kanya. Mabilis niya itong dinala sa kanyang ninong na Judge. Hindi pa sinasambit ng Judge ang tanong kung mahal ng babae si Boknoy ay panay na nang sabi nito ng I do. Naganap ang kasal at labis-labis ang kagalakan ni Boknoy. Sa wakas ay natupad na ang kanyang matagal na pangarap.
Sinama niya ito sa kanyang bahay para sa kanilang honeymoon. Pumasok agad sa banyo si Boknoy at naglinis ng katawan. Mabilis ang bawat buhos ng tubig sa kanyang katawan at halos bumula ang kanyang katawan sa sabon. Paglabas nya ng banyo ay nakadungaw sa bintana si Luningning at wala ng saplot sa katawan. Nang masilyan niya ito ay parang nililiyaban ang kanyang buong katawan.
"Handa ka na ba?" Tanong ni Luningning.
"O-Oo," ang buong kagalakan nyang tugon.
Habang kinikiskis nito nang mabilis ang magkabilang palad.
"Simulan na natin 'to!" sigaw ni Boknoy.
Nang iniharap niya ang mukha nito ay nagbago ang anyo ng babae. Naagnas na ang mukha at katawan nito. At dahan-dahang lumulutang sa hangin.
"Tukneneg impakpakto tagugu sa basu tususk istik gwen barbecue"
Panay ang sigaw ng orasyon ni Boknoy sa hangin ngunit hindi ito tumatalab.
"Tulong! Tulong!"
"Saklolo....!"
Para syang na-hipnotismo sa sobrang takot at hindi niya maigalaw ang kanyang katawan.
Posted by Nathan at 7:05 PM 0 comments
Text
Boknoy : ay naku hon...uu, si pareng Pedro yan, kasi nagyaya siya ngayun.
Boknay : eh, bakit Petra ang nakalagay sa cp mo.
Boknoy: naku hon palayaw niya lang yan kasi marami nang Pedro ang naka-store diyan sa cp ko.
Boknay: ganun ba o "p@###!!!" mo basahin mo sabi ng kumpare mo , hindi daw kayo matutuloy ngayun kasi may regla siya!
Toink! huli si Boknoy, kasi naman bakit Petra ang nilagay sa pangalan ni pareng Pedro masyadong obvious! he he he he...
Posted by Nathan at 5:16 PM 0 comments
Friday, September 18, 2009
Anibersaryo
Mahiwaga ang buhay ng mga matatanda. Hindi matutumbasan ng salapi ang kanilang mga karanasan at karunungan. Nag-uusap ang mag-asawang Intoy at Inday Boknoy sa loob ng bahay dahil sa nalalapit na Diamond Anniversary ng kanilang kasal . Sa haba ng panahon nang kanilang pagsasama ay nabiyayaan sila ng labing anim na malulusog na anak na hindi magkasya sa kanilang pintuan.
“Alam mo Inday , sa tagal ng ating pagsasama ay itinuring na kita na para kong kapatid,” ang matamis na sambit ni Intoy.
“ Ganun!,”
“ Oo, kasi lagi tayong nagdadamayan sa hirap at ginhawa.”
Parang hinaplos ang puso ni Inday sa kanyang narinig mula kay Intoy.
“ Alam mo mahal, sa tagal na nang ating pagsasama ay itinuring na kitang anak,” ang matamis na wika ni Inday.
“ Ang sweet mo naman mahal” kindat nya sa asawa.
“ E, bakit mo naman nasabi ‘yon?,” tanong ni Intoy.
“ Parati ka kasing nadede sa akin” ang malaswang ngiti ni Inday.
“ Teka! Bakit parang umiinit ata ang aking pakiramdam?” usisa nito.
“Eh, kasi naman titingin din… ‘yang dede mo nakalaylay na sa kape mo,” bulalas na hakhak ni Intoy.
Mahirap talagang magparami at magpalaki ng labing anim na anak. Sus maryosep, makakalimutan mo ang sarili mo.
Posted by Nathan at 10:06 PM 0 comments
Monday, September 14, 2009
Sampung Utos
Sa panahon ngayon ay napakahirap humanap ng trabahong mapapasukan. Kailangan mong maging matiyaga at masipag sa trabahong pinasukan. Katatapos lamang ni Boknoy sa kursong abugasya sa Pamantasan ng Sagip-Isip. Natanggap itong abogado sa isang NGO Non-Government Organization.
Kringgg….kringggg…..kringgg….!!
Isang malakas na tunog ng telepono ang nagwawala sa mesa, agad itong sinagot ni Boknoy.
“Hello! This is operation 666,” ang bungad na bati nya.
“Tu-tulungan n’yo po kami! Huhuhu…inatake po ang aking ama at kami po ay
tinatanggihan sa Ospital, parang awa nyo na,” ang basag ng tinig ng isang babae.
Agad na tinungo ni Boknoy ang address ng bahay na ibinigay sa kanya ng babae.
Dahil agaw- buhay ang matanda ang panay ang iyak ng mga kaanak ay binilisan nya ang pagpapatakbo sa sasakyan. Di kalayuan sa simbahan ay nakita nya ang isang gusali na may nakasulat na Ospital. Panay ang pagtatalo ng mga kaanak kung saang Ospital dadalhin ang matanda.
Sa labis na pagkataranta at pagmamadali ay inihinto nya ang sasakyan at ibinaba ang naghihingalong matanda at mabilis na sinugod sa Emergency Room ng Ospital. Ngunit hinarang sila ng guwardiya. Hindi nakinig si Boknoy at niratratan nya ito tungkol sa mga karapatan ng pasyente.
“Unang utos! Bawal sa batas na tanggihan ang isang pasyente sa Ospital lalo na’t nag-aagaw buhay,” ang Attorney –no- case pagtatanggol nya.
“Ikalawang utos! Huwag mamimili ng pasyente ang Ospital”
“Ikatlong utos! Huwag humarang sa pintuan ng E.R.
“Ikaapat na Utos! Huwag ng usisain ang pasyente lalo na’t ito’y agaw-buhay.
“Ikaanim na utos! Buksan ang pintuan upang makapasok ang naghihingalong pasyente”
Walang nagawa ang nakatulalang guwardiya sa talas ng dila ni Boknoy patungkol sa batas.
Hehehe…abogado yata ako, kaya wala kayong laban sa akin.
Pagpasok niya sa E.R. ay bigla siyang nagulat sa kanyang mga nakita.
“Aw…aw…awhhooo…,” tahol ng mga aso.
“Huhuhu…hahaha…huhuhu..hahaha,” bigkas-gulat naman ng mga unggoy.
Lalong nagalit si Boknoy at pinaalalahanan ang mga duktor sa karapatan ng pasyente.
“IKapitong utos! Ayon sa Article 42 ng Ospital Code, bawal dalhin ng mga duktor ang kanilang alagang hayop sa loob ng Ospital habang nanggagamot…hmmmppp…!!,” ang mariing pagtatanggol nya.
“Ikawalong utos! Huwag gamitin ang dugo ng hayop bilang pansalin ng dugo”
“Ikasiyam na utos! Asikasuhin agad ang pasyente”
Hindi nakatiis ang isang Doktor at lumapit sa kanya.
“Ano po bang hayop ang ipapagamot nyo… hayop ba?” tanong nito.
“Ha-hayop… ka diyan, hindi mo ba nakita na naghihingalo na ang pasyente,” sagot nya.
“Ikasampung utos! Article 42 ng Animal Code, bawal dalhin ang tao sa Ospital ng mga hayop…hmmmppp!!,” mariing pagtatanggol nito.
Biglang may bumara sa lalamunan ni Boknoy at napalunok sya ng malalim.
Lalong inatake ang matanda sa kanyang narinig at tuluyang natigok.
Posted by Nathan at 9:54 AM 0 comments
Wednesday, September 9, 2009
Ang Babaeng Hinugot sa Lalamunan
Panoorin ng mga kalalakihan nang maglaway sa alindog ng dilag.
Ito'y labis na kaiingitan ng mga kababaihan.
Watch now na!
Posted by Nathan at 5:44 PM 0 comments
Tuesday, September 8, 2009
Himutok ng Tiyan
Posted by Nathan at 6:01 AM 0 comments
Sunday, September 6, 2009
TOROTOT
Posted by Nathan at 7:17 PM 0 comments
Friday, September 4, 2009
Bagong Anyo

Paaralan
Ibang-iba ang bagong sibol
Ibang-iba ang kanilang kilos
Ibang-iba ang kanilang tunog
Mag-aaral
Ibang-iba ang mga matatanda
Ibang-iba ang kanilang kilos
Ibang-iba ang kanilang tunog
Magulang
Noong panahon namin:
Ibang-iba ang mga kabataan
Ibang-iba ang kanilang kilos
Ibang-iba ang kanilang tunog
Guro
Ibang-ibang ang panahon
Ibang-iba ang kapaligiran
Kailangan nang bagong anyo
Posted by Nathan at 11:22 PM 0 comments
Wednesday, September 2, 2009
Padyak

Boy Padyak: Manong saan po tayo?
Mr. Padyak: Sa Malacanang
Mr. Padyak: Anong bang pangarap mo?
Boy Padyak: Gusto ko sanang makapag-aral kaso hindi kaya ni Inay at Itay.
Mr. Padyak: Anak, itabi mo.
Boy Padyak: Bakit po?
Mr. Padyak: Lagpas na tayo.
Bumama si Mr. Padyak sa palengke at nag-usisa sa mga taong may problema sa buhay.
Tandang Padyak: Marami nang nagpunta rito pero ikaw lang ang tumigil at nakinig, anak sana hindi ka magbago.
Manang Padyak: Oo nga, madalas kaming magkasakit pero wala kaming pambiling gamot, ikaw lang ang makakatulong sa amin.
Neneng Padyak: Hindi niya tayo pababayaan!
Barangay Padyak: Oo nga!
Sumakay muli si Mr. Padyak, at siya na ang nagmaneho.
Batang Padyak: Saan po tayo pupunta?
Mr. Padyak: Aatras na tayo, may bago ka kasing pasahero
Barangay Padyak: Whaa....bakit mo kami pinabayaan!
Posted by Nathan at 6:51 AM 0 comments
Tilamsik
Isang takal, isang hagod, isang buhos
sa pila balde-baldeng nakatiwangwang,
sa tilamasik ng tubig mula sa tabo
na sinalok sa loob ng plastik na drum.
Isang kislap, isang kurap, isang hikab
sa politikong nakapagpabagabag
sa tilamsik na salapi mula kay Juan
na nagpapagal sa paghinog ng uhay.
Isang bagsak, isang tagak, isang putak
kay Juan na tumitilamsik sa sindak
sa mga anyong tupa na dugong-lobo:
kung minsan ay santo, minsan ay payaso.
Isang sibat, isang kidlat, isang pilat
sa agua de panakot sa mambabarang
na bumibiktima ng hinog na uhay
na gagawing midyum sa nalalapit halalan.
Isang lakas, isang bigkas, isang bukas
sa pagsasama-samang mulat,
sa tilamsik ng balota sa ballot box,
para sa pag-ahon ng lipi ni Juan.
Posted by Nathan at 6:44 AM 0 comments








