Ekonomiks: Sa Daluyong ng Panahon
Lahat na ng aspeto ay ginalugad
Kung saan-saan antas napadpad
Ngunit kasaguta’y mailap
Sa katanungang hinahanap.
Habang ako’y tumatanda
May nabuong mga hinuha
Sa aking pagkakatanda
Ito’y isang mahalagang paksa.
Si Adam Smith ay naghaka
Sa ekonomiya ng madla
Pag-unlad ay abot kamay
Sa malayang kalakalan.
Marami pa ang naghaka
Hindi lahat ay natuwa,
Si Karl Marx ay nagwika
Lakas paggawa ay kailangan ng bansa;
Kapitalismo mo’y di patas sa limitadong pinagkukunang yaman
Komunismo ay kasagutan sa lumalalang kahirapan;
Pagkapantay-pantay ay matatamo
Magiging maligaya ang mundo.
Ekonomiya ay mahalagang sadya
Sa buhay ng madla hindi ka nawawala,
Ngunit kalian ka pa ba matatamo
Pag-unlad na hinahangad
Kalian
kaya
madarama!
Sa Alaala ng Payatas X
4 years ago
0 comments:
Post a Comment