Proyekto para sa Unang Markahan
Thursday, July 30, 2009
Proyekto sa Unang Markahan
Posted by Nathan at 8:26 AM 0 comments
Monday, July 27, 2009
Ang Mga Kwentong Ewan ni Intoy Boknoy
(BSEmbalKom) Bachelor in Science in Embalsamador
Napakahirap kumita ng pera. Sa panahon ngayon ay kailangan mong kumayod ng kumayod upang matugunan ang iyong pangangailangan. Sa pagmumuni-muni ni Intoy Boknoy ay kaniyang napagtanto na kung may pera sa basura ay may pera sa patay kaya siya ay nag-pursige na magtayo ng isang Funeral Shop. Katatapos niya lang ng kursong Bachelor of Science in Embalsamador sa isang Unibersidad ng Sementeryo malapit sa kanila.
Nakatanggap si Boknoy ng isang textmesij (text message) mula kay Boy Topak. Si Boy Topak ang kanyang aseyt (asset) sa loob ng Ospital upang alamin kung sino ang malapit nang matigok. Ayon sa kaniya, nakita niya ang isang matanda na hindi na gumagalaw. Nag-iiyakan na daw ang pamilya nito sa loob ng kwarto.
“Boy Tigas, kunin mo ang susi ng sasakyan at pupunta tayo sa Ospital!” sigaw ni Boknoy.
"Bilisan mo...!!!" tarantang sambot nito.
“ Y-yes bo-boss," pautal na tugon nito.
Agad na tinarak ni Tigas ang susi ng sasakyan sa ignisyon swych (ignition switch) at mabilis na pinaandar.
“Bilisan mo pa, baka tayo maunahan ng iba,” pagmamadaling utos nito.
Pinaharurot ni Tigas ang sasakyan. Mabilis na kinabig nito ang manibela pakaliwa nang biglang mawalan ng preno ang sasakyan.
“Aaaaaaayyyyyyy………aaayyyyyy…..,” sigaw nila.
Kablooommm! Tug-tug-tug-tug-tug. Ang huling tunog na nangibabaw sa paligid nila Boknoy.
Isang malakas na wangwang ng sirena ng Ambulansiya ang pumainlanlang. Agad silang nilagay sa loob ng ambulansiya at sinugod sa Ospital. Kahit nanlalabo pa ang paningin ay kinuha ni Boknoy ang kanyang selfon (cellphone) at nag-text, bago pa malobat (lowbat) ay nasynd (send) nito ang mensahero kay Boy Tigas.
Agad silang pinuntahan ni Tigas sa Emergency Room.
“Anong balita d’on sa namatay?” tanong nito.
“Eh…..Boss….kasi…eh…,” panay ang kamot nito sa ulo.
“Ano!?” pagalit na tanong ni Intoy habang nilalagyan ng yelo ang kanyang bukol sa ulo.
“Lumipat na ng kwarto yung matanda. Nabuhay kasi, eh…kayo na ata ang papalit,” pakamot na sagot nito.
Bwahahahaha………”Kung ano ang nangyayari ng Matanda ay mangyayari din sa Bata”…..toink….toink…..
Posted by Nathan at 2:25 AM 1 comments
Saturday, July 25, 2009
Ang Mga Kwentong Ewan ni Intoy Boknoy
Posted by Nathan at 2:28 AM 2 comments
Tuesday, July 21, 2009
A TALE OF MY BIRTHDAY
Today is the greatest day of my life. The day of the new beginning, the climax of times, the day of learning, the day of suffering, the epoch of self-actualization, the epoch of humiliation, the season of life, the season msytification, the rain of optimism, the summer of pessimism; everything is in the crossroad, everything in the safe road.
But despite of the odds---the curtain of life will continue to blossom.
Happy Birthday!!!
Posted by Nathan at 9:18 PM 1 comments
Monday, July 20, 2009
DENGUE
JOHNATAN CAJARA EUGENIO
Dengue
Mahimbing ang aking tulog,
Panatag ang aking pakiramdam.
Diwa ko’y hinaharana
Ng himig nang panaginip,
Sa daigdig ng kawalan.
Pakpak ay bumulusok,
Dahan-dahang dumapo.
Nagnakaw ng sariwang dugo,
Gamit ang manipis na nguso
Kasing nipis at bilis ng hangin;
Ang mikrobyo ay naglakbay.
Sa walang malay na dugo;
Dinadakdakan nang kamandag.
Nababalisa sa pagkakahiga,
katawa’y nagliliyab.
Diwa’y inuugoy
Nang samut-saring pangamba.
Mapulang likodo’y
Sinupil ng kulay bulak na lusaw;
Katawa’y nangangatal;
Isipa’y pagal.
Sa biyaya ng kadugo;
Pangrap ay ‘di gumuhoPosted by Nathan at 8:42 AM 1 comments
UBAN
JOHNATAN CAJARA EUGENIO
Uban
Pagdaka’y naka sinsin
Sa bawat yungib ng anit.
Nagsusumiksik sa maiitim na hibla.
Sa haplos ng kamay;
Kinang mo’y sumilaw,
Mata ko’y nasilaw.
Sa kapangyarihan ng tsani,
Ikaw’y inagaw.
Posted by Nathan at 8:41 AM 0 comments
Tuesday, July 14, 2009
The Harry Potter Journey
Posted by Nathan at 7:56 PM 2 comments
Saturday, July 11, 2009
Kahalagahan ng Kalikasan
Posted by Nathan at 3:37 AM 1 comments
Friday, July 10, 2009
Hustisya! Sa Naghihinagpis na Klima
Posted by Nathan at 6:48 AM 2 comments
Wednesday, July 8, 2009
SANGGOL
Posted by Nathan at 7:40 AM 0 comments
Friday, July 3, 2009
Sample Script
Sample of Script
Posted by Nathan at 9:18 AM 1 comments
PAGASPAS
(Johnatan C. Eugenio)
Ang may-akda ay kasalukuyang Scholar na Master of Art’s in Business Administration
3rd Place Winner sa 2008 NSO Writing Contest sa Muntinlupa
Nagmumuni-muni si Darwin sa tuktok ng gusali ng kanyang tinitirhang condominuim, hindi alintana ang malakas na bugso ng hangin na yumayakap sa buo niyang katawan, at matinding init na humahalik sa kanyang balat. Taimtim niyang pinagmamasdan ang mga kalsada at gusaling naging karamay niya sa tagumpay. Sa oras na iyon ay parang nangungusap sa kanya ang signal light ng kalsada, nagkakabuhol-buhol ang mga sasakyan sa pagsayaw ng Orange at Red na ilaw. Nalilito ang mga nagmamaneho sa tunay na kulay nito, naiinip naman ang mga pasahero sa usad pagong na takbo ng sasakyan. Nagkakagulo ang mga taong tatawid, nakikipag patintero sa mga sasakyang atras abante ang galaw at biglang sulpot ng mga motorsiklo sa gutter ng kalsada.
Pagkalipas ng ilang minuto ay mabilis na ninakaw ng dilim ang liwanag ng araw. Nangalit ang langit kasabay ng isang malakas na dagundong sa himpapawid, mabilis na sumirit ang isang guhit ng liwanag pababa sa lupa. Habang ang malakas na hangin ay sumusunod sa kanyang mahinhing galaw, at nagsusumamo na sundin ang tamang agos ng bawat pagaspas.
Saglit na namayapa ang paligid, tanging batingaw ng isang malakas na dagundong ang yumanig sa lupa, hindi nakayanan ng hangin na buhatin ang bawat daluyong nang katawan ni Darwin na tuluyang humimlay sa lupa.
Nagkakagulo ang paligid sa kaliwa’t kanang pagtunog ng telepono mula sa tawag ng mga investors na matiyagang nagmamasid sa galaw ng merkado sa Stock Market. Bawat araw ganito ang kapaligirang ginagalawan ni Darwin, bilang isang Broker ay kailangan niyang bigyan ng impormasyon ang mga mangangalakal sa katayuan ng mga negosyo na pinaglalagakan ng kanilang salapi. Dahil sa kanyang husay sa paghimok at pangangalaga ng mga namumuhunan ay hinahangaan siya at kinaiingitan ng kanyang mga katrabaho.
Ang kanyang halakhak ay nagsisilbing inspirasyon ng kanyang kaibigan na magkaroon ng magandang pananaw sa buhay; ang bawat ngiti ay nagsisilbing kalakasan sa pagal na katawan.
“ Mga tol, kapag ako ay yumaman magtatayo ako ng kompanya at kayo ay kukunin kong bilang mga consultants,” wika ni Darwin.
“Hindi malayong marating mo ‘yan dahil sa husay mong manggayuma ng mga kleyente natin…hahaha ang malakas na bigkas ni Eric.”
Isang malakas na tunog na nagmumula sa cellphone ang gumising sa kanyang mahimbing na pagkakatulog, marahan niyang kinapa ang switch ng ilaw at dinampot ang CP sa ibabaw ng computer table.
“Hello, who is this?” tanong niya.
“ Sorry for disturbing your sweet dreams Darwin, I’m Mr. Chin, one of the investors in the telecommunication industry. Remember our conversation a month ago that I’m looking for an analyst in my company” pahayag niya.
“ Yap, I still remember it! Sir, had you had an analyst?” interesadong pagtatanong niya.
“ Yes! It was you.” magiliw na pahayag ni Mr. Chin.
Saglit na huminto ang kanyang mundo dahil sa pahayag na ‘yon.
Hindi niya maintidihan ang matinding tuwa at galak na bumabalot sa kanyang katauhan. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang nagsilbing tugon.
“ So, are you in or out?” ang sunod na tanong ng intsik.
“ In, sir!” sagot niya.
“ If you are available tomorrow, kindly visit me at my office in Makati,” panghihikayat ng tsinoy.
Muling nabalot sa katahimikan ang kwarto ni Darwin. Tanging ang buga ng hangin na nagmumula sa singaw ng air-con ang kanyang kaagapay, at nagbibigay ginhawa sa buong katawan. Muli siyang bumalik sa kama upang ipahinga ang isip sa naudlot na pagkakahimbing at sulitin ang nalalabing oras na biyaya ng gabi.
“Oh, the time has come for my dreams to be heard
They will not be pushed aside and turned
Into your own all cause you won't
Listen.... ,“ dahan dahang lumalakas ang awitin ni Beyonce mula sa kanyang cell phone.
[Chorus]
“Listen, I am alone at a crossroads
I'm not at home, in my own home
And I tried and tried
To say what’s on my mind…,” lalong lumalakas ang ring tone ng kanyang telepono.
Habang ang malamig na hangin ay pauli-ulit na humahalik sa kanyang mukha. Marahan siyang bumangon sa kama at ini-off ang ring tone ng cellphone. Nilagay sa fan ang air-con at binuksan ang bintana. At masusing pinagmasdan ang kalangitan, napansin niyang nagsusungit ang panahon, dahan-dahang gumagalaw ang makapal at maitim ang ulap. Nagbabadya ng isang malakas na ulan. Napaling ang kanyang pansin sa wall clock.
”Alas 8:00 na pala,baka nag-aantay na sa akin si Mr. Chin,” ang pangamba niya sa sarili.
Dali-dali niyang kinuha ang tuwalya at pumasok sa banyo. Binuksan ang shower at mabilis na sinabon ang buong katawan at nagbanlaw. Pagkabihis ay kinuha ang susi ng kotse, agad siyang bumaba ng hagdan at tinungo ang nakaparadang sasakyan, binuksan ang pintuan at agad na sinalpak ang susi sa susiian, ilang saglit lang ay nangibabaw ang tunog ng makina at ingay ng tambutso. Saglit na napaling ang kanyang pansin sa digital clock ng kotse. Napakamot siya at napangiti.
“ 7:00 lang pala,” wika niya sa sarili.
Naisip niyang matagal na ding hindi napapalitan ng battery ang wall clock. Muli siyang napangiti sa sarili, na tila ba nakikipaglaro ang tadhana.
Marahan niyang tinapakan ang pedal ng gasolina ng sasakyan at dahan-dahang inaangat ang kaliwang paa na nakatapak sa clutch. Ang mabilis na pagkumpas ng kanyang kanyang kanang kamay ay kasabay na paggalaw ng kambyo sa primera, sunod na hawak sa kambyo ay segunda. Lalong lumakas ang ingay ng makina at sunod-sunod na paglabas ng hangin sa tambutso at mabilis na pag-ikot ng mga gulong sa kalsada. Matulin niyang tinahak ang South Luzon Expressway papuntang Makati. Sa oras na iyon ay pansamantalang pinatay ng makapal na ulap ang maagang sikat ng araw. Lalong nagsungit ang panahon, bumuhos ang napakalakas na ulan. Bawat patak ay malakas na tumatama sa windshield ng sasakyan, pinindot niya ang wiper upang hawiin ang bawat patak ng ulan, at magkaroon ng liwanag ang salamin sa kanyang harapan. Ilang munuto ang lumipas, narating niya ang gusali ng opisina ni Mr. Chin na CEO ng isang Insurance Company. Naghanap muna siya ng parking area na kung saan ay maayos niyang maipaparada ang sasakyan.
Pagtapos maiparada ay kinuha ang payong na nakalagay sa ilalim ng upuan. Binuksan ang payong upang proteksyonan ang katawan sa tila nagagalit na kalangitan, at tinungo ang gusali.
“Good morning sir! What can I do for you?,” ang malumanay na bati at tanong ng receptionist. “I have an appointment with Mr. Chin, tell him that I’m here,” ang magalang niyang tugon.
“Just for a while sir,” tinawagan ng receptionis ang secretary ng CEO at ibinigay ang impormasyon.
“Sir, you may proceed to the office now, Mr. Chin is waiting for you.”
“Thank you,” tugon niya.
Dahan –dahan niyang hinakbang ang mga paa papunta sa direksyon ng opisina ng tsinoy. Sa labas palang ng pinto ay galak na galak siyang sinalubong nito. Niyakap siya ng mahigpit at tinapik tapik ang balikat. Agad na inutusan ang sekretarya na maghanda ng pagkain para kay Darwin.
“ I firmly believe that you will not disappoint me.” I thank the Lord for bringing you here,” ang pagmamalaking wika ng intsik.
“ Sir, it’s my privilege and honor to work with one of the most successful insurance company in the country,” ang pagpapakumbaba niyang tugon.
Pinaikot ni Mr. Chin ang kanyang upuan at pumaling ng tingin sa nagtataasang gusali sa labas ng kanilang opisina na nahaharangan lamang ng fiber glass na salamin. Walang kibo, nagmuni-muni, at bago muling iikot ang upuan paharap sa kanyang mesa ay kumuha muna siya ng lakas sa hangin. May ilang sigundo ding nanahimik ang silid ng opisina. Nag-aantay at nag-aabang sa susunod na salitang babasag sa katahimikan ng paligid. Maya-maya ay nagsalita ang tsinoy.
“ Before I have chosen you to be my financial analyst, I went to some of you clients and asked them why they were able to survive the company in the seemingly downturn of investment capital and foreclosure of the business.”
“All of them pointed you as their savior in redirecting and reassessing the financial flow of their business. Like them, I need your expertise to save my disintegrating company,” ang malungkot na pahayag ng CEO.
Bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala sa kalagayan ng kumpanya.
“ Sir, I will do my best to restore the financial stability of your business, and for now, I would like to review the financial records and investment of the company,” tugon niya.
Isang mahiwagang ngiti ang mabilis na gumuhit sa pisngi ni Mr. Chin. Biglang nabuhayan ng loob ang tsinoy at masiglang inabot kay Darwin ang mga dokumento na kanyang pag-aaralan at mabusising susuriin.
Agad niyang kinuha ang mga papeles at magalang nag-paalam upang pumasok sa pinapasukang opisina. Sa loob ng labing limang araw ay walang humpay niyang sinuri ang dahilan ng pagkalugi ng kumpanya. Bawat detalye ay kanyang inuusisa at nilapatan ng lunas upang maisalba ang negosyo ng intsik.
Makalipas ang isang buwan ay binigay niya ang resulta ng kanyang pag-aaral at konklusyon sa maaring solusyon na makakapag-ahon sa masamang katayuan ng kumpanya.
Binasa ni Mr. Chin ang ginawang pagsusuri ni Darwin. Nahikayat siya sa rekomendasyong ibinigay nito sa kanya. Dahil dito ay hinimok niya itong maging Presidente ng kumpanya at bibigyan ng malaking sahod, bahay at lupa na hindi niya kikitain sa kasalukuyang pinapasukang kumpanya.
Pinag-isipan niya itong mabuti. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay napagtanto niya na ito na ang pagkakataong matagal na niyang inaantay, ang katuparan ng kanyang mga pangarap. Pangarap na magkaroon ng sariling negosyo. Mamuhay ng masagana at mapasyalan ang magagandang tanawin sa Europa at Amerika.
Saglit niyang ipinarada ang sasakyan sa kahabaaan ng Roxas Boulevard. Pinagmasdan ang malawak na karagatan at ang papalubog na araw. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata upang damhin ang enerhiya ng kalikasan. Isang malakas na hampas ng hangin ang yumayakap sa kanyang buong katawan. Para siyang dinuduyan sa alapaap ng mga sandaling iyon. Damang-dama niya ang lubos na pag-aaruga ng inang kalikasan sa kanyang katauhan. Ang nalalabing sinag ng araw ay dahan-dahang humahalik sa kanyang mukha pababa sa talampakan.
Kasabay ng paghalik ng huling sinag ng araw sa lupa ay ang pagkagat ng dilim, at pansamantalang pananahimik ng hangin. Naging tila palaisipan ang buong kapaligiran. Unti-unti niyang binuka ang kanyang mga mata, ilang sandali lang ay may kakaibang pwersa na bumabalot sa kanyang katauhan, ito ay mabilis na kumalat sa buo niyang katawan, kasunod nito’y isa-isang pagtayo ng kanyang mga balahibo sa batok at kamay.
Hindi niya maintintidan kung saan nagmula ang mahiwagang pwersa. Inisip niya na sanhi ba ito ng kawalan ng sinag ng araw at ang mabilis na pagsakop ng dilim sa buong kapaligiran.
Muli niyang binaybay ang kahabaan ng Roxas Boulevard gamit ang bagong kotseng Volvo na ineregalo sa kanya ni Mr. Chin, dahil sa magandang kita ng kumpanya sa nakalipas na dalawang taon.
Ilang sandali pa ay ipinarada niya ito sa carpark ng isang condominium sa Fort Bonifacio. Marangya at mamahalin ang kanyang bagong bahay.
Pagpasok sa loob ng kwarto ay marahan niyang binuksan ang bintana upang sumagap ng sariwang hangin. Sa oras na iyon hindi naakit ng bagong buwan ang mga bituin sa kalangitan. Sa araw na iyon ay tila naging maramot sa kanya ang kalikasan. Kaya umupo siya sa sofa at dinampot ang remote ng T.V. na nakapatong sa maliit na mesa, at nanood ng balita, bigla siyang kinabahan ng marinig ang isang balita. Muli na namang nabalot ang kanyang katawan ng isang mahiwagang pwersa. Parang nirarayuma sa lamig ang kanyang buong katawan. Pinagkibit balikat niya lamang ito. Agad niyang piñatay ang telebisyon at humiga sa sofa at pinagmasdan ang chandelier. Pinagmamasdan niya ang liwanag na nagmumula sa ilaw.
Bumalik sa kanyang alaala dalawang taon na ang nakakalipas na kanyang surrin ang dahilan ng pagkalugi ng kumpanyan ni Mr. Chin, ang kanyang naging solusyon at rekomendasyon ay umutang muna sa mga local na bangko bilang operational expenses, at gamitin ang 15% shares ng mga financial holders bilang investment sa Madoff Investment Securities na nakabase sa Estados Unidos, dahil maganda ang record nito sa money managing firm.
Biglang nawalan ng liwanag ang buong paligid, naglaho ang kanyang pagsariwa sa nakaran. Agad niyang dinampot ang telepono at tinawagan ang receptionist ng gusali. Ipinaliwanag sa kanya na nag-brownout at kasalukuyang inihahanda ang generator. Hinanap niya ang flashlight na nakatago sa cabinet malapit sa T.V., agad niya itong binuksan at pumasok sa silid upang magpahinga. Ilang saglit lang ay nanumbalik ang liwanag sa paligid.
Kinabukasan, maaga siyang pumasok sa opisina. Iniabot sa kanya ng kanyang sekretarya ang dyaryo na Inquirer. Inilapag muna niya ito sa mesa at tinawagan ang kanyang Management Staff sa gaganaping pulong mamayang 10:00 ng umaga, ipinahahanda niya ang mga reports at financial statements ng bawat tanggapan.
Sumagi sa kanyang isipan na tawagan ang kanyang kaibigan na si Eric na matagal na niyang hindi nakikita. Natanggap ito bilang isang broker sa Wall Street Stock Market sa Amerika.
“ Pare, kamusta na,? tanong niya.
“Eto, hindi magkaugaga sa dami ng trabaho,” tugon ni Eric.
“Kailan ka ba uuwi ng Pilipinas? Mukhang nagpapayaman ka talaga ng husto diyan ah,” biro niya.
“Ikaw nga itong mayaman na dahil Presidente ka na ng isa sa pinakasikat na Insurance Company sa Pinas” ang ganting biro niya.
“Hindi naman, mabait lang talaga ang tadhana sa akin.” pagpapakumbaba niya.
“Medyo nga mahina ang kita ngayon dito dahil sa nagaganap na recession, nawawalan ng tiwala ang mga investors na mamumuhunan sa Stock Market,” paliwanag niya.
Dalawang taon na rin ang nakakalipas ng huli silang magsama sa isang pasyalan at pinag-usapan ang kanilang mga plano sa buhay. Sa kanilang pag-uusap ay ibinida nito ang paghanga niya sa pamamahala ni Madoff sa salapi ng mga investors sa Wall Street. Ipinagmalaki niya sa kaibigan ang milyong salapi na natanggap ng kumpanya mula sa Madoff Investment Securities, bilang interest sa investment nito, at ang pagdagdag niya ng isang daang milyong piso bilang karagdagang investment. Sa gitna ng kanilang pag-uusap isang impormasyon ang bumasag sa malutong niyang halakhak.
Pagkatapos makausap ang kaibigan ay hindi na siya nakapagsalita. Muli na naman niyang naramdaman ang mahiwagang pwersa na gumagapang sa kanyang buong katawan.
Nakumpirma niya sa kaibigan ang impormasyon sa telebisyon na kanyang napanood kagabi. Ayon sa foreign news, “…Madoff used a Ponzi Scheme, stealing capital from new clients to pay profits to existing one. He stashed the $13 B handed to him by investors in a bank account.”
Upang malibang ay binasa niya ang bagong sipi ng dyaryo ng Philippine Daily Inquirer na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Lalo siyang nanlumo sa nabasa.
Maya-maya ay tinawagan siya ni Mr. Chin tungkol sa isang nakakakilabot na balita. Galit na galit ang intsik sa kanya, dahil dinagdagan niya ng 5% ang karagdagang investment noong nakaraang isang buwan.
Pagkalipas ng dalawang linggo ay naging laman ng pahayagan ang kanilang kumpanya. Kasabay nito ang pagdagsa ng mga financial holders na nais bawiin ang kanilang inilagak na salapi.
Ara-araw ay puro pagtuligsa ang naririnig ni Darwin sa mga balita. Pati Congress at Senate ay mag-iimbistiga sa dahilan ng pagkalugi ng kumpanya.
Alam niya ang magiging kahinatnat ng gulong kanyang kinasasangkutan.
Sa nakalipas na mga araw ay masidhi niyang hinahanap ang nalalabing sinag ng araw. Pilit na inuunawa at tinutuklas ang palaisipan ng kapaligiran, ang kakaibang pwersang bumalot sa kanyang katauhan, at dagliang pagsakop ng dilim sa buong kapaligiran. Sinasagap at nilalasap ang bawat pagaspas ng hangin na nagsisilbing senyales sa paparating na bangungot ng buhay.
Posted by Nathan at 8:00 AM 2 comments